Emman Atienza nakaranas ng pang-aabuso mula sa yaya noon

Emman Atienza nakaranas ng pang-aabuso mula sa yaya noong bata

Therese Arceo - November 27, 2024 - 06:56 PM

Emman Atienza nakaranas ng pang-aabuso mula sa yaya noong bata

Trigger Warning: Verbal Abuse, Trauma

AMINADO ang anak ni Kim Atienza na si Emman Atienza na nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa kanyang yaya noong bata.

Sa kanyang naging panayam sa “Toni Talks” noong Linggo, November 24, ikinuwento ng dalaga kung ano ang kanyang naranasan sa kamay ng kanyang yaya na madalas niyang kasama noong bata dahil abala ang kanilang mga magulang.

“My yaya was my companion a lot of the time. She was abusive in more ways than one. So one of the ways was verbal,” pagbabahagi ni Emman.

May mga pagkakataon raw na nilalait siya nito.

Baka Bet Mo: Emman Atienza rumesbak sa fans ni Nadine, BTS; Kuya Kim pinagtanggol

 

View this post on Instagram

 

A post shared by emmanuelle atienza (@emmanatienza)

Sey ni Emman, “She’d always insult me, say the same things those people were saying on Twitter. ‘You’re useless, disappointment, stupid, stupid.’

“She kind of gave me these paranoid beliefs. So one thing was I couldn’t be in rooms alone, any enclosed space because I had this feeling that I’m gonna die.”

Ani Emman, nalagoasan lang raw niya ang takot noong tumuntong siya ng 14 years old.

Sumailalim umano siya sa mga therapy noong 12 at 13 years old soya dahil sa kanyang pakikipaglaban sa kanyang mental health issues.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“My mental health got to the point where it was so bad that hindering my ability to function on a day-to-day basis,” amin ni Emman.

Matatandaang noong Setyembre ay naging laman ng usap-usapan ng mga tao lalo na sa social media ang anak ni Kuya Kim dahil sa nag-viral nitong video ng kanilang “Guess The Bill” challenge kasama ang kanyang mga kaibigan.

Marami ang nag-react at sinabing napaka-insensitive ng mga ito dahil ang isang dinner nila ay umabot ng mahilig P100k samantalang marami sa mga kababayan ang hindi man lang ma-afford ang kumain ng tatlong beses sa isang araw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending