Lineman natuhog sa bakod, patay

By John Roson June 12,2019
share this

Lineman natuhog sa bakod, patay

By John Roson June 12,2019
share this

NASAWI ang isang lineman ng cable television matapos na mahulog at matuhog sa bakod, sa Urbiztondo, Pangasinan, nitong Martes.

Nakilala ang nasawi bilang si Alfredo Racion, 21, tubong Puerto Princesa City, Palawan, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.

Naganap ang insidente sa Brgy. Dalanguiring dakong alas-4:30 ng hapon, ngunit Miyerkules na ng madaling-araw nang maiulat sa pulisya.

Sinabi sa pulisya ni Dexter Cosio, isa ring lineman, na inaayos ni Racion ang fiber-optic layout sa taas ng isang puno, nang biglang madulas ang paa ng huli.

Dahil dito’y nawalan ng balanse si Racion at nahulog sa bakal na bakod, kung saan siya natuhog, ayon sa pulisya.

Dinala pa si Racion sa Provincial Hospital sa San Carlos City, ngunit binawian ng buhay doon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending