Janno, Melissa Gibbs inalala ang 1st death anniversary ni Ronaldo Valdez
GINUNITA ng actor-comedian na si Janno Gibbs ang unang anibersaryo ng kamatayan ng kanyang ama na si Ronaldo Valdez.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi niya ang larawan nila ng ama na kuha noong bata pa siya.
“To dance with my father again. It’s been a year. Still missing you,” saad ni Janno sa kanyang post.
Maging ang kapatid nitong si Melissa Gibbs ay ginunita ang kanilang yumaong ama.
Baka Bet Mo: Janno, Melissa inalala ang kaarawan ng yumaong ama na si Ronaldo: Miss you!
View this post on Instagram
“In Loving memory of a Father who will forever hold a special place in our hearts. One year may have passed, but your love remains with us,” pagbabahagi ng kapatid ni Janno.
Dagdag pa ni Melissa, “I miss you so much papa but I know you are now reunited with our creator and savior.”
Matatandaang natagpuang walang buhay ang beteranong aktor sa kanyang bahay sa Quezon City noong December 17, 2023.
76 years old na ang ama nina Janno at Melissa nang sumakabilang buhay ito.
Samantala, nitong taon, ginunita rin ng aktor ang birthday ng kanyang yumaong ama sa pamamagitan ng isang Instagram video.
Mapapanood sa video ang slideshow ng larawan nina Janno at Ronaldo na magkasam pati na rin ang duet nila sa kantang “Just the Two of Us” ni Bill Withers and Grover Washington, Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.