10 patay matapos araruhin ng isang trak ang mga sasakyan sa Davao City
SAMPU ang patay samantalang marami ang sugatan nang araruhin ng isang trailer truck ang maraming sasakyan sa Davao City, Martes ng umaga, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Col. Alexander Tagum, city police director, umakyat sa 10 ang mga nasawi ngayong hapon matapos na pumanaw ang isa sa dalawang biktimang nasa kritikal na kondisyon na ginagamot sa isang ospital.
Anim na lalaki, dalawang babaw at dalawang-anyos na batang lalaki ang nasawi dahil sa aksidente.
Sakay ang mga biktima ng apat na sasakyan na binangga ng trak, samantalang isang pedestrian ang isa sa biktima, ayon ay Tagum.
Ginagamot naman ang isa pang biktima sa Southern Philippines Medical Center matapos ang natamong pinsala.
“May mga iba pang injured pero minor, kaya agad silang nakalabas ng ospital, di na nagpakilala, at di na nabilang,” sabi ni Tagum.
Sinabi ni Capt. Ma. Teresita Gaspan, city police spokesperson, na nangyari ang insidente sa sa junction ng Matina-Pangi Road sa President Carlos P. Garcia Highway, ganap na alas-9:30 ng umaga.
Minamaneho ng isang Joel Aras, 36, ang wing van trailer truck (LXB-302), na may kargang bigas mula Sasa papuntang Calinan district.
Kabilang sa mga inararo ng trak ang Toyota Hi Ace van (BCN-661), KIA Sportage (KEP-343), Honda CRV (LGE-978), Mitsubishi L300 (AAG-4913), a tricycle (5013-LV), Toyota Avanza (ZSE-506), Suzuki all-purpose vehicle (PPI-830), at multicab (JFG-233), sabi pa ni Gaspan.
“Umabot sa 22 sasakyan yung nahagip, karamihan mga motor na naka-park,” sabi ni Tagum.
Sinabi ni Tagum na winarningan na ng ilang nakasaksi si Aras, bagamat nagpatuloy pa rin sa pagmamaneho.
“Nung nagtuluy-tuloy na pababa, niliko niya pakaliwa sa Matina-Pangi… siguro para maisalba na rin niya ang sarili niya, pero unfortunately mali ‘yung decision niya, nagresulta pa sa mas malaking problema.”
Nakakulong si Aras sa Talomo Police Station habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, serious physical injuires, at damage to property, sabi Tagum.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.