6 holdaper patay sa shootout sa Pampanga | Bandera

6 holdaper patay sa shootout sa Pampanga

John Roson - June 13, 2019 - 03:18 PM

PATAY ang anim na armadong lalaki nang makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa Pampanga, Huwebes ng umaga, matapos ang magkahiwalay na insidente ng panghoholdap sa lalawigan.

Apat na suspek, nainaalam pa ang pagkakakilanlan, ang napatay sa shootout matapos umanong mangholdap ng convenience store sa bayan ng Apalit, ayon sa ulat ng Central Luzon regional police.

Naganap ang naturang insidente sa Timoteo Road, Sitio Dudurot-Paligue, Brgy. Colgante, dakong alas-4:45.

Bago ito, nakatanggap ang pulisya ng impormasyon na nilooban ng mga armado ang convenience store sa Sitio Sampaga, Brgy. San Vicente.

Naglunsad ng pursuit at dragnet operation laban sa mga salarin, na nakitang tumakas sakay ng pulang Toyota Innova patungo sa direksyon ng Macabebe.

Namataan ng mga miyembro ng Provincial Mobile Force Company, na noo’y nagsasagawa ng gabihang street-clearing operation, ang kotseng hinahabol ng Apalit police kaya sinubukan itong harangin, pero pinaputukan sila ng mga sakay.

Dahil doo’y gumanti ang mga miyembro ng PMFC, at napatay ang apat na lalaking sakay ng kotse sa palitan ng putok, ayon sa ulat. 

Narekober ang dalawang kalibre-.45 pistola, isang kalibre-.9mm pistola, ang Innova, at di pa mabatid na halaga ng cash sa mga napatay na suspek.

Ilang oras bago ito, dakong alas-12:35, dalawa pang armado ang napatay sa shootout sa access road ng Pasig-Potrero Dike sa Brgy. Cabetican, bayan ng Bacolor.

Ang dalawa, nakilala bilang sina Ariel Moguil, ng Mountain Province, at Dexter Tinguey, ng Baguio City, ay kapwa sakay ng isang pick-up truck.

Unang inulat sa pulisya ng mga kahera ng Shell gasoline station sa Brgy. Sta. Ines na hinoldap ng apat na armadong lulan ng Toyota Hi-lux pick-up at motorsiklo ang kanilang estabilisimyento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naglunsad ng dragnet operation sa Bacolor at mga karatig-bayan, hanggang sa na-intercept ang pick-up sa Brgy. Cabetican.

Narekober sa mga napatay na suspek ang isang kalibre-.45 pistola na may limang bala, kalibre-.22 revolver na may dalawang bala’t tatlong basyo, apat na sachet ng umano’y shabu, dalawang cellphone, pati na ang P2,420 cash at isang cellphone na bahagi umano ng mga tinangay sa gasolinahan. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending