2 bus nagsalpukan: 20 sugatan

By John Roson May 25,2019
share this

2 bus nagsalpukan: 20 sugatan

By John Roson May 25,2019
share this

AABOT sa 20 katao ang nasugatan nang magsalpukan ang dalawang bus sa Sabangan, Mountain Province, Biyernes ng hapon.

Kabilang sa mga sugatan si Blester Bing-il, driver ng GL bus (RMF-568), at si Dave Bangcado, driver ng Rising Sun bus (AYU-865), ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-5, sa Brgy. Supang.

“Katatapos lang ng ulan noon kaya slippery ang daan, na medyo kurba at pababa, kaya nadulas daw ‘yung GL,” ani Capt. Gilbert Bulalit, hepe ng Sabangan Police.

Dinala ang aabot sa 20 sugatan, na karamiha’y mga pasahero, sa Luis Hora Memorial Regional Hospital sa Bauko para malunasan.

Nagkausap na ang mga kinatawan ng dalawang bus company para aregluhin ang kaso. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending