SAF trainee lunod sa swim test | Bandera

SAF trainee lunod sa swim test

John Roson - June 03, 2019 - 03:00 PM

NALUNOD ang isang pulis na trainee ng PNP Special Action Force (SAF), nang malunod sa kanilang pagsasanay sa paglangoy, sa Calatagan, Batangas, nitong Linggo.

Nilapatan ng paunang lunas at itinakbo sa ospital si Patrolman Manny Jose Baldonado, ngunit di na umabot ng buhay, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Si Baldonado, 27, ay residente ng Santiago City, Isabela, at miyembro ng SAF Commando Class 85-2018.

Naganap ang insidente dakong alas-9:10, sa SAF Training Branch annex sa Brgy. Baha.

Sumasailalim noon sina Baldonado at kanyang mga kaklase sa pagsasanay sa combat swimming sa dagat, ayon sa ulat.

Nadala pa si Baldonado sa Metro Balayan Medical Center, kung saan siya idineklarang dead on arrival ng doktor. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending