Intsik dakip sa P500K shabu | Bandera

Intsik dakip sa P500K shabu

John Roson - May 24, 2019 - 05:54 PM

ARESTADO ang isang Chinese national nang makuhaan ng P500,000 halaga ng hinihinalang shabu, sa raid sa Urdaneta City, Pangasinan, Biyernes ng madaling-araw.

Nadakip si Lui Bin sa tinutuluyan niyang bahay sa Dona Trinidad, Brgy. Camantiles, dakong alas-3, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.

Sinalakay ng mga tauhan ng iba-ibang unit ng pulisya, National Bureau of Investigation, at Philippine Drug Enforcement Agency ang bahay sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte sa Baguio City.

Nasamsam sa bahay ang aabot sa 300 gramo ng hinihnalang shabu, isang malaki’t maliit na timbangan, isang kahon ng mga recyclable plastic bag, at limang plastic scope.

Dinala ang suspek at mga nakumpiskang bagay sa tanggapan ng NBI sa Maynila para sa karagdagang imbestigasyon, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending