Chief tanod na ‘rapist’ patay sa police ops

By John Roson May 25,2019
share this

Chief tanod na ‘rapist’ patay sa police ops

By John Roson May 25,2019
share this

PATAY ang chief tanod na inirereklamo sa panggagahasa nang manlaban sa mga pulis na dadakip sa kanya sa San Jose Del Monte City, Bulacan, Biyernes ng hapon.

Napatay si Boyet Tuando, chief tanod ng Brgy. Citrus, ani Col. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan provincial police.

Nagsagawa ng entrapment laban kay Tuando dakong alas-4:30, sa Bgry. Sto. Cristo.

Nilunsad ang operasyon bunsod ng reklamo ng isang babae, na ilang beses umanong ginahasa matapos i-blackmail at pagbantaan pang papatayin ng suspek kung di makikipagtalik.

Nauwi ang operasyon sa panghohostage ni Tuando sa biktima, hanggang sa siya’y makipagbarilan at mapatay ng mga pulis, ani Bersaluna. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending