NATAGPUAN ang isang bahagi ng katawan ng tao, na hinihinalang inatake ng buwaya, malapit sa isang pearl farm sa Balabac, Palawan. Nadiskubre ng mga trabahador ng Jewelmer Farm ang mga labi sa baybayin ng Sitio Agis-agis, sa islang-barangay ng Bugsuk, nitong Martes, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police. Walang ulo, mga braso, binti, at […]
NASAWI ang isang lalaki nang mahagip ng tren ng Philippine National Railways, sa Tondo, Manila, Miyerkules ng umaga. Agad nasawi si Florante Aguilar, 54, residente ng Ma. Guizon st., ayon sa ulat ng Manila Police District. Naganap ang insidente malapit sa PNR compound na nasa Brgy. 228, pasado alas-6. Patawid si Aguilar sa riles nang […]
NAARESTO ang isang 43-anyos na babae na nagbibiyahe ng shabu mula sa Maynila sa pamamagitan ng pagtatago ng mga ito sa kanyang underwear, sa isinagawang buy-bust operation sa Butuan City, Linggo ng hapon, ayon sa pulisya. Kinilala ang nahuli na si Edralin Ello alyas Aling, 43, residente ng Malate, Maynila, na tubong Esperanza, Agusan del […]
SUGATAN ang 11-anyos na batang lalaki matapos ang isa na namang insidente ng pag-atake ng buwaya sa Balabac, Palawan, ayon sa pulisya. Nagtamo si Akirin Baracbac Kutak ng mga sugat dahil sa kagat ng buwaya, ayon kay Lt. Col. Socrates Faltado, MIMAROPA regional police spokesman. Nagyari ang insidente ganap na alas-5:30 ng hapon noong Miyerkules […]
LABING-siyam na Chinese national na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operations (POGO) center sa Kawit, Cavite, ang naospital dahil sa hinihinalang food poisoning sa pasilidad. Dinala ang mga banyaga, may edad 19 hanggang 30, sa San Juan De Dios Hospital sa Pasay City matapos dumaing ng pananakit ng tiyan, sabi ni Lt. Col. Chitadel Gaoiran, […]
NAKATAKAS ang isang Malaysian national matapos umanong dukutin ng mga di pa kilalang salarin sa isang hotel-casino sa Parañaque City. Natagpuan si Wong Jun Chuan, 26, sa tapat ng isang mall sa Brgy. San Francisco, Biñan City, dakong alas-2:30 ng hapon Lunes, ayon sa ulat ng Laguna provincial police. Sinabi sa pulisya ni Wong, pansamantalang […]
DALAWANG freshman cadet pa ng Philippine Military Academy ang naka-confine sa ospital dahil sa umano’y hazing, ayon sa Armed Forces. Inihayag ni AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo ang insidente kasabay ng pag-anunsyo ng PMA na sinibak nito ang ilang opisyal na may kinalaman sa pagkasawi ni Cdt. 4th Class Darwin Dormitorio, na namatay noong […]
NASAWI ang isang negosyante nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa Tiaong, Quezon, Biyernes ng gabi. Dead on the spot si Orlando Evangelista, 50, dahil sa mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-8, sa bahagi ng provincial road na […]
NASAWI ang isang pilotong British national nang bumagsak ang pinalipad niyang light plane sa Arayat, Pampanga, Biyernes ng hapon. Nakilala ang nasawi bilang si Mark Hogget, 55, residente ng Tarlac City, ayon sa ulat ng Central Luzon regional police. Bumagsak ang 2-seater Quick Silver ultra light plane na pinalipad ni Hogget dakong alas-3, sa isang […]
DALAWAMPUNG tao ang nasawi at 14 pa ang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang trak sa isang bangin sa T’boli, South Cotabato, Martes ng umaga. Pawang mga galing sa beach at pauwi na ang mga sakay ng trak, na kinabibilangan ng 11 menor de edad. Dinala ang mga sugatan sa Upper Valley Community Hospital ng […]
SA kabila ng pinangangambahang pagkalat ng African swine fever sa Luzon, isang lalaki sa Sual, Pangasinan, ang inaresto para sa umano’y paggahasa sa isang baboy. Nakaditine ngayon si Rommel Marimla, 21, habang hinahandaan ng kaukulang kaso, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Dinampot ang suspek dakong alas-9 ng umaga, matapos ireklamo ng overseas Filipino […]