SUGATAN ang 11-anyos na batang lalaki matapos ang isa na namang insidente ng pag-atake ng buwaya sa Balabac, Palawan, ayon sa pulisya.
Nagtamo si Akirin Baracbac Kutak ng mga sugat dahil sa kagat ng buwaya, ayon kay Lt. Col. Socrates Faltado, MIMAROPA regional police spokesman.
Nagyari ang insidente ganap na alas-5:30 ng hapon noong Miyerkules sa katubigan ng
Sitio Tagpanasan, Brgy. Salang.
Sakay si Akirin at kanyang ate na si Delsa, 16, ng maliit na bangka at pauwi na mula sa kanilang seaweed farm, nang atakihin ng buwaya, ayon kay Faltado.
“A crocodile suddenly appeared and bit Akirin on the right arm, but he was not dragged into the water and managed to escape,” sabi ni Faltado.
Dinala si Akirin sa Balabac Rural Health Unit at pinauwi rin matapos magamot.
Noong Agosto 12 at Setyembre 8, dalawang batang lalaki ang namatay matapos atakihin ng buwaya sa Brgy Salang at Indalawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.