'Tira ng buwaya' bumulaga sa pearl farm | Bandera

‘Tira ng buwaya’ bumulaga sa pearl farm

John Roson - October 04, 2019 - 05:45 PM


NATAGPUAN ang isang bahagi ng katawan ng tao, na hinihinalang inatake ng buwaya, malapit sa isang pearl farm sa Balabac, Palawan.

Nadiskubre ng mga trabahador ng Jewelmer Farm ang mga labi sa baybayin ng Sitio Agis-agis, sa islang-barangay ng Bugsuk, nitong Martes, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police.

Walang ulo, mga braso, binti, at lamang-loob ang katawan, na may kaliitan at nakasuot pa ng abuhing brief, ayon sa ulat.

Agad ring inilibing ang natagpuang parte ng katawan nang hapong iyon.

Matatandaan na ilang insidente na ng pag-atake ng buwaya ang naitala sa Balabac nitong Agosto at Setyembre.

Noong Agosto 12, natagpuan ang ulo at kanang binti ng isang 10-anyos na batang nilapa ng buwaya sa Brgy. Salang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending