Negosyante niratrat, patay | Bandera

Negosyante niratrat, patay

John Roson |September 21,2019
facebook
share this

Negosyante niratrat, patay

John Roson - September 21, 2019 - 05:43 PM

NASAWI ang isang negosyante nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa Tiaong, Quezon, Biyernes ng gabi.

Dead on the spot si Orlando Evangelista, 50, dahil sa mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-8, sa bahagi ng provincial road na sakop ng Sitio Central, Brgy. Bulakin.

Sadyang nagtungo doon si Evangelista sakay ng kanyang BMW sedan (JFK-585) para umano makipagkita sa isang tao na bibili umano ng mga tanim na rambutan.

Habang naghihintay, nilapitan si Evangelista ng isang lalaking naka-hood at saka pinagbabaril.

Agad tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo, na minaneho ng isa pang di rin kilalang lalaki, ayon sa ulat.

Nakatagpo ang mga rumespondeng pulis ng limang basyo ng kalibre-.9mm pistola sa pinangyarihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending