John Roson Archives | Page 33 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 33 of 149 | Bandera

P3.4M shabu nasabat sa buy-bust sa Naga

AABOT sa P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa buy-bust operation sa Naga City, Camarines Sur, Miyerkules ng gabi. Nasabat ang 500 gramo o P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isang Matias Matute alyas “Jun Jun,” residente ng Brgy. Banga Caves, Ragay, ayon sa ulat ng Bicol regional police. Isinagawa ng mga […]

3 traffic enforcer dakip sa extortion

ARESTADO ang tatlong traffic enforcer ng Tanauan City, Batangas, nang maaktuhan sa pangingikil, sa entrapment operation ng pulisya Miyerkules ng gabi. Naaresto sina Jeffrey Lajara, Lito Millarez, at Janet Anzano, pawang mga miyembro ng Traffic Management Office ng pamahalaang panglungsod, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Isinagawa ng lokal na pulisya ang operasyon dakong […]

Ex-Pangasinan gov sugatan, 2 aide patay sa ambush

SUGATAN si dating Pangasinan governor at 5th district Rep. Amado Espino Jr. habang dalawa sa kanyang mga aide ang napatay sa ambush sa San Carlos City, Miyerkules ng hapon. Nagtamo ng pinsala si Espino at dinala sa isang ospital sa lungsod para malunasan, sabi ni Brig. Gen. Joel Orduña, direktor ng Ilocos regional police. Nasawi […]

Mangingisda dedo sa kidlat

PATAY ang isang mangingisda nang tamaan ng kidlat sa bahagi ng dagat na sakop ng Agno, Pangasinan, nitong Lunes. Nakilala ang nasawi bilang si Christopher Nomil, 42, residente ng Sitio Kalaunionan, Brgy. Boboy, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Naganap ang insidente dakong ala-1:45, sa bahagi ng dagat na malapit sa naturang barangay. Nangingisda […]

1 patay, 5 sugatan sa karambola

ISANG lalaki ang nasawi at di bababa sa lima pa katao, na kinabibilangan ng ilang engineer, ang nasugatan nang mag-karambola ang apat na sasakyan sa Candelaria, Quezon, Lunes ng gabi. Dead on the spot ang di pa kilalang lalaki, na nagmaneho ng motorsiklong kabilang sa mga nasangkot sa insidente, ayon sa ulat ng Quezon provincial […]

Imprenta ng dyaryo sinilaban

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng mga otoridad ang umano’y panununog ng mga armado sa isang imprenta ng dyaryo sa Parañaque City, Lunes ng madaling-araw. Naganap ang insidente sa palimbagan ng Prague Management Corp. sa Vitalez Compound sa Brgy. San Isidro, ilang minuto bago mag-alas-2, ayon kay Maj. Gen. Guillermo Eleazar, direktor ng National Capital Region Police Office. […]

Bata tinangay ng buwaya

NAWAWALA at pinangangambahang patay ang 15-anyos na binatilyo matapos umanong sagpangin ng buwaya sa Balabac, Palawan, Linggo ng gabi. Hinahanap pa ng mga awtoridad si Romilo Sappayani Miranda, matapos maiulat ang insidente Lunes ng umaga, ani Lt. Col. Socrates Faltado, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police. Sinabi sa pulisya ni Pablo Tanain, tiyuhin ni Miranda, na […]

Detainees nag-rambol sa pagkain, tubig: 1 patay

ISANG detainee ang namatay matapos diumanong magulpi sa away ng mga kapwa nakapiit sa custodial facility ng pulisya sa Dasmariñas City, Cavite, Miyerkules ng hapon. Nag-ugat umano ang away sa suplay ng pagkain at tubig, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Nakilala ang nasawi bilang si Michael Melchor, 44, naaresto para sa kasong may […]

Bebot kinatay, pinalubog sa Taal Lake

NATAGPUAN ang bangkay ng isang babae sa bahagi ng Taal Lake na sakop ng Laurel, Batangas, nitong Miyerkules, matapos pagsasaksakin at palubugin sa lawa ng mga di pa kilalang salarin. Nadiskubre ang bangkay ng di pa kilalang babae dakong alas-10:30 ng umaga, nang lumutang sa bahagi ng lawa sa Brgy. Balakilong, ayon sa ulat ng […]

2 dedo sa kuryente

PATAY ang dalawang lalaki matapos umanong makuryente sa pinagtatrabahuhan nilang poultry farm sa Calaca, Batangas, Martes ng hapon. Itinakbo pa sa ospital sina Michael Sola, 21, at Hernando Ocap, 23, ngunit kapwa idineklarang dead on arrival ng doktor, ayon sa ulat ng Batangas provincial police. Natagpuan na lang ang dalawa na nakahandusay sa sahig ng […]

Parak nanghipo ng waitress, dakip

ARESTADO ang isang pulis matapos ireklamo ng panghihipo ng waitress sa isang bar sa Tanauan City, Batangas. Kinilala ng pulisya ang naaresto bilang si Cpl. Vic Jayson Navales, nakatalaga sa Tanauan City Police. Nagtungo ang biktima sa istasyon ng pulisya dakong alas-3 ng umaga Martes, matapos ang insidente sa bar na nasa Brgy. Poblacion 3. […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending