1 patay, 5 sugatan sa karambola | Bandera

1 patay, 5 sugatan sa karambola

John Roson - September 10, 2019 - 05:52 PM

ISANG lalaki ang nasawi at di bababa sa lima pa katao, na kinabibilangan ng ilang engineer, ang nasugatan nang mag-karambola ang apat na sasakyan sa Candelaria, Quezon, Lunes ng gabi.

Dead on the spot ang di pa kilalang lalaki, na nagmaneho ng motorsiklong kabilang sa mga nasangkot sa insidente, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Malubhang nasugatan ang angkas niyang si Johnrick Jetro Agustin, 21.

Sugatan din sina Allan Ayuyao, 43, John Joseph Simara, 34, at Allan Angeles, 47, pawang mga engineer; at kasama nilang si Jaymond Gubalane, 31. Pawang mga sakay sila ng isang Nissan NV350 Urvan.

Nasangkot din sa insidente ang isang Ford Ranger pick-up (DAF-5206) at Hyundai Grand Starex van (VFL-687).

Naganap ang insidente dakong alas-9:20, sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Mangilag Sur.

Sinubukan umanong unahan ng motorsiklo ang pick-up pero nawalan ng kontrol sa manibela ang driver, hanggang sa lumipat ang una sa kabilang lane kung saan nito nasalpok ang Urvan.

Sa lakas ng impact, naitulak pa ng Urvan ang motor hanggang sa masalpok nila ang pickup at mahagip pa ang kasunod nitong Starex.

Dinala sa ospital ang mga sugatan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending