Ex-Pangasinan gov sugatan, 2 aide patay sa ambush | Bandera

Ex-Pangasinan gov sugatan, 2 aide patay sa ambush

John Roson - September 11, 2019 - 07:45 PM

SUGATAN si dating Pangasinan governor at 5th district Rep. Amado Espino Jr. habang dalawa sa kanyang mga aide ang napatay sa ambush sa San Carlos City, Miyerkules ng hapon.

Nagtamo ng pinsala si Espino at dinala sa isang ospital sa lungsod para malunasan, sabi ni Brig. Gen. Joel Orduña, direktor ng Ilocos regional police.

Nasawi sa insidente ang dalawa niyang aide, na inaalam pa ang pagkakakilanlan, ani Orduña.

Naganap ang insidente habang dumadaan ang Toyota Land Cruiser ni Espino at dalawang back-up na Innova, sa Brgy. Magtaking, dakong alas-4:30.

Nagsasagawa pa ang pulisya ng operasyon para matunton at makilala ang mga salarin.

Ayon kay Orduña, nag-utos siya ng “massive” o malakihang pagtugis laban sa mga salarin, at papunta siya sa crime scene.

Si Espino, isang dating police general, ay nagsimula sa politika bilang congressman ng ikalawang distrito ng Pangasinan para sa dalawang termino mula 2001 hanggang 2007, bago nagsilbing gobernador mula 2007 hanggang 2016.

Habang nagsisilbi bilang kinatawan ng ikalimang distrito ng lalawigan, noong Agosto 2016, tinukoy si Espino bilang isa sa mga opisyal na sangkot umano sa kalakalan ng iligal na droga, sa drug matrix na nilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero isang buwan matapos iyo’y inurong ng Pangulo ang akusasyon at humingi ng paumanhin para sa kakulangan ng validation sa laman ng kanyang ulat.

Muling tumakbo si Espino para maging mambabatas ng ikalimang distrito nito lang Mayo, pero di nanalo.

Kasalukuyang gobernador ang anak niyang si Amado III, habang ang isa pa’y congressman ng ikalawang distrito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending