P3.4M shabu nasabat sa buy-bust sa Naga

By John Roson September 12,2019
share this

P3.4M shabu nasabat sa buy-bust sa Naga

By John Roson September 12,2019
share this

AABOT sa P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa buy-bust operation sa Naga City, Camarines Sur, Miyerkules ng gabi.

Nasabat ang 500 gramo o P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isang Matias Matute alyas “Jun Jun,” residente ng Brgy. Banga Caves, Ragay, ayon sa ulat ng Bicol regional police.

Isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, Naga City Police, National Bureau of Investigation, at Army ang buy-bust sa Zone 7, Brgy. Penafrancia, dakong alas-9:10.

Nakuha din kay Matute ang P1,000 papel at mga bungkos ng pekeng pera na ginamit sa operasyon, at isang cellphone.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending