3 traffic enforcer dakip sa extortion

By John Roson September 12,2019
share this

3 traffic enforcer dakip sa extortion

By John Roson September 12,2019
share this

ARESTADO ang tatlong traffic enforcer ng Tanauan City, Batangas, nang maaktuhan sa pangingikil, sa entrapment operation ng pulisya Miyerkules ng gabi.

Naaresto sina Jeffrey Lajara, Lito Millarez, at Janet Anzano, pawang mga miyembro ng Traffic Management Office ng pamahalaang panglungsod, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Isinagawa ng lokal na pulisya ang operasyon dakong alas-8:55, sa Brgy. 7.

Bago ito’y nakatanggap ang pulisya na kinikikilan ng mga enforcer ang mga driver na kanilang nahuhuli para sa traffic violation.

Dinaampot ang mga suspek nang tanggapin nila ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap bilang tricycle driver na nakagawa ng traffic violation, ayon sa ulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending