2 pang PMA cadet naospital dahil sa 'hazing' | Bandera

2 pang PMA cadet naospital dahil sa ‘hazing’

John Roson - September 23, 2019 - 06:57 PM

DALAWANG freshman cadet pa ng Philippine Military Academy ang naka-confine sa ospital dahil sa umano’y hazing, ayon sa Armed Forces.

Inihayag ni AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo ang insidente kasabay ng pag-anunsyo ng PMA na sinibak nito ang ilang opisyal na may kinalaman sa pagkasawi ni Cdt. 4th Class Darwin Dormitorio, na namatay noong Set. 18 dahil sa hazing.

Nilulunasan ang dalawang kadete sa isang military hospital kung saan sila dinala noong Set. 17 at 21 dahil sa pinsala sa tiyan, sabi ni Arevalo sa isang pulong-balitaan.

“Both incidents, sadly, are suspected to be maltreatment cases. The alleged perpetrators in these cases have been identified and all are now held at the PMA holding center under tight guard as the investigation proceeds,” aniya.

Ayon kay Arevalo, di pa matukoy kung ang mga insidenteng puminsala sa dalawang kadete’y may kaugnayan sa pagkamatay ni Dormitorio.

Samantala, inanunsyo ng PMA na ni-relieve nito ang “officers with direct responsibility” sa pagkamatay ni Dormitorio.

Itinuturing nang suspek ang tatlong kadete, dalawa pa ang “persons of interest,” at siyam ang itinuturing na saksi.

“Those found guilty of the act of maltreatment shall be charged with violation of the Anti-Hazing Law,” sabi ng PMA sa isang kalatas.

Una nang inihayag ng Baguio City Police na dalawang cadet 3rd class at isang cadet 1st class ay dinitine sa PMA matapos ang pagkamatay ni Dormitorio.

Ayon kay Arevalo, nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ang mga suspek ngayong Lunes.

“Two of them are now at the PMA stockade which is their detention facility while the other is at the holding center, all of them under tight watch,” aniya.

Inihayag ni Arevalo na anim na iba pang kadete ang nakasalang sa administrative proceedings – apat ay nanganganib masipa sa akademiya at dalawa’y maaaring ma-suspende.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa sa mga kadete’y nahaharap sa parusa para sa “class one offense,” na umaani ng mga demerit, suspensyon ng mga pribilehiyo, at “touring.”

“Touring” ang tawag sa parusa kung saan ang nagkasalang kadete’y pinagmamartsa nang ilang oras parit-parito mula sa PMA parade grounds, bitbit ang kanyang riple.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending