John Roson Archives - Bandera

Patay sa bagyo 81 na, damage tumataas pa

UMABOT na sa 81 ang naulat na nasawi at 70 pa ang nawawala dahil sa mga insidenteng dulot ng bagyong “Ompong,” ayon sa mga otoridad Miyerkules. Kaugnay nito, patuloy pang lumalaki ang naitatalang halaga ng pinsala, lalo na sa mga pananim, industriya ng pangingisda, at mga alagaing hayop sa Luzon. Batay sa tala ng National […]

Higit 40 pa nawawala sa guho, baha

IGINIIT ng alkalde ng Itogon, Benguet, na ginawa ng lokal na pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para maiwasan ang sakunang sinapit ng barangay kung saan may mahigit 40 pa katao ang natabunan ng lupa noong kasagsagan ng bagyong “Ompong.” “Ginawa namin lahat ng dapat gawin for the preemptive evacuation pero inayawan nila, ayaw nilang […]

Lovers patay sa LQ

NASAWI ang isang lalaki nang magbaril matapos umanong barilin ang kinakasamang babae, sa Calaca, Batangas, iniulat ng pulisya Martes. Natagpuan na lang na mga walang buhay sa kanilang tahanan sina Manuel Montero at Analyn Belmonte, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente sa pagitan ng alas-11 ng gabi Linggo at alas-4 ng […]

3 bus naaksidente: 21 sugatan

 DI bababa sa 21 katao ang nasugatan nang masangkot sa aksidente ang tatlong bus, sa Lucena City, Quezon, Lunes ng madaling-araw.  Nagtamo ng pinsala ang 20 pasahero ng Amihan bus (ACD-1533) na biyaheng Maynila, kaya dinala ng lokal na rescue team at mga pulis sa Quezon Medical Center, sabi ni Senior Supt. Osmundo de Guzman, […]

Patay kay ‘Ompong’ halos 60 na

LUMOBO  sa halos 60, at pinangangambahang tataas pa, ang bilang ng mga nasawi sa bagyong “Ompong” dahil sa landslide na naganap sa Itogon, Benguet, bago mag-tanghali, Linggo. Mahigit 30 katao ang kumpirmadong nasawi nang matabunan ng lupa ang isang bunkhouse, na minsa’y ginagamit bilang bahay-sambahan at nagsilbing silong ng mga residente noong kasagsagan ng bagyo, […]

3 Indonesian kidnap victim pinalaya sa Sulu

PINAWALAN ng mga kidnaper sa Sulu ang tatlong mangingisdang Indonesian na kanilang dinukot sa bahagi ng dagat na nasa pagitan ng Pilipinas at Malaysia noong Enero, ayon sa militar Linggo. Pinalaya sina Hamdam Salim, 34, Subandi Sattuh, 27, at Sudarlan Samansung, 41, sabi ni Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command. […]

Updated: GenSan binomba: 8 sugatan

DI bababa sa walo katao, kabilang ang isang batang babae, ang nasugatan nang sumabog ang improvised na bomba sa tabi ng isang botika sa General Santos City, Linggo ng tanghali, ayon sa mga otoridad. Nasugatan sina Marlon Orabia, 30; Jeslly Guyos, 19; Joana Bles Alipio, 6; Felipa Regios, 63; Lanie Alipio, 34; John Lenon Calary, […]

Bilang ng nasawi kay ‘Ompong’ inaalam na; 180K lumikas

INAALAM na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRM) ang kabuuang bilang ng mga nasawi kung saan halos 180,000 ang nagsilikas dahil sa pananalasa ng bagyong “Ompong” sa iba-ibang bahagi ng Luzon.  Dalawang responder ang nasawi habang nagsasagawa ng rescue operation, sabi ni Ricardo Jalad, executive ng National Disaster Risk Reduction and Management […]

7 Abu patay, 23 sugatan sa engkuwentro

PITONG kasapi ng Abu Sayyaf ang napatay habang 23 pa katao, kabilang ang isang sub-commander ng bandidong grupo at 17 sundalo, ang nasugatan sa sagupaan sa Patikul, Sulu, ayon sa militar Sabado. Narekober ang bangkay ng mga napatay na bandido, pati ang isang M16 rifle, iba pang gamit pandigma, at personal na kagamitan, sabi ni […]

13K lumikas dahil kay ‘Ompong’

UMABOT na sa mahigit 13,000 katao na ang nagsilikas sa iba’t ibang bahagi ng Luzon dahil sa bagyong “Ompong,” ayon sa mga otoridad. Base sa datos, 3,342 pamilya o 13,660 katao na ang nagsilikas sa Ilocos region, Cagayan Valley, Cordillera, at maging sa Bicol, batay sa datos na nakalap ng Bandera. Pinakamaraming naiulat na evacuee […]

What's trending