outbrain

Tulog hinampas ng kawali, pumatay

By John Roson June 30,2020
share this

Tulog hinampas ng kawali, pumatay

By John Roson June 30,2020
share this

PATAY ang isang magsasaka matapos pagsasaksakin ng lalaki na kanyang hinampas umano ng kawali habang natutulog, sa Padre Burgos, Quezon.

Agad ikinasawi ni Bernardito Lapitan, 35, ang mga saksak sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon Lunes, sa Brgy. Yawe.

Lumabas sa imbestigasyon na natutulog sa kanyang bahay si Ramil Codilla, nang biglang dumating ang umano’y lasing na si Lapitan at bigla siyang hinampas ng kawali sa likod.

Dahil dito’y naalimpungatan si Codilla, at biglang pinagsaasaksak si Lapitan, ayon sa ulat.

Sumuko naman ang 45-anyos na si Codilla sa mga rumespondeng pulis, at ngayo’y nasa presinto para sa karagdagang imbestigasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending