Robin Padilla sa ‘gitgitan’ nila ni Jonvic Remulla: Patawarin ako ng Allah!

PINABULAANAN ni Sen. Robin Padilla ang mga kumakalat na bintang na siya ang nagsimula ng gulo at tensyon sa Senate lobby matapos ang “gitgitan” nila ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.
Trending ngayon sa social media ang tila tulakan ng senador at DILG secretary sa lobby ng Senado matapos pilitin ni Sen. Pia Cayetano na papasukin sa Senado ang mga miyembro ng 18 ex-marines para dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post, nilinaw ni Robin na inirerespeto niya si Remulla.
“Mataas ang respeto ko po sa kalihim ng DILG, sir Jonvic Remulla. Ako po ang palagiang unang bumabati sa kanya at nagpupugay.
Baka Bet Mo: Kiko Pangilinan, Robin Padilla nagkainitan sa sesyon ng Senado
View this post on Instagram
“Saksi po ako sa kaniyang mga magagandang proyektong medikal para sa lalawigan ng Cavite noong siya po ang Gobernador kayat saludo ako sa taong yan,” saad ni Robin.
Hindi rin daw intensyon ng senador na sumaklaw sa kapangyarihan ng kung sinuman kaya walang katotorhanan ang mga sinasabing siya ang nagsimula ng gulo sa Senado.
“Bilang isang [Muslim] na nagpupumilit na magpaka Islam, [w]ala po ako intensyon na saklawan ang kapangyarihan ng kahit na sino,” lahad ni Robin.
Pagpapatuloy niya, “Hindi ko po magagawa ang bintang na ako po ay nag umpisa ng [kaguluhan] sa lobby ng senado.”
Makikita raw sa mga CCTV footage at mga video rin ng media na naroroon na siya ang unang nagpakalma sa nangyayaring girian sa Senado.
“Patawarin po ako ng Allah. Allah hu akbar. Ang mga cctv at mga video ng media ang magpapatunay na ako ang nagtatawag ng pagkalma sa oras pa lamang ng salubungan,” sey ni Robin.
Dagdag pa niya, “La hawla wala quwata illah billah!”
Samantala, nauna naman nang nilinaw ni Remulla na hindi niya hinarangan ang senadora dahil mag-isa at pauwi na raw siya nang maganap ang naturang gitgitan.
“I was walking out when I was pushed aside. I was alone. I was about to go home,” pagbabahagi ni Remulla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
