Ira Panganiban Archives - Bandera

Confession ng dumaan sa fixer

NOONG araw sinubukan kong pumasok sa negosyo ng UV Express. Bumili ako ng dalawang Nissan Urvan at pumunta ako agad sa Land Transportation Regulatory and Franchising Board o LTFRB para kumuha ng prangkisa dahil ito raw ang kailangan gawin. Sa LTFRB ay sinalubong ako ng kontak ng isang kaibigan. Yung kontak ay fixer pala at […]

Piskal na walang modo sa batas trapiko

NITONG nakaraang linggo ay nasaksihan natin kung gaano kawalang respeto sa mga traffic enforcers ang napakaraming Pilipino. At ilan sa mga ito ay hindi mga ordinaryong klase ng mga motorista, gaya na lang ng isang “kagalang-galang” na piskalya. Sa napakahabang video ni Gadget Addict sa Facebook, naisalarawan dito ang tunay na ugali ng mga Pilipinong […]

Single passenger law sa Edsa

SA inilabas na balita ng Metropolitan Manila Development Authority ay sinasabi na ipatutupad na ang tinatawag na High Occupancy Vehicle (HOV) ruling sa kahabaan ng EDSA. Ito ay bunga na rin ng hindi na mapigilang pagsama ng trapiko sa lansangang ito. Hindi tayo sinagot ni MMDA General Manager Jojo Garcia nang tanungin natin kung ang […]

Hazard lights di dapat pag malakas ang ulan

PANAHON na naman ng ulan at bagyo at sigurado ako, sobrang dami na naman nating mga kababayang motorista ang magbubukas ng “hazard lights” o flashers kapag bumibiyahe sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, uulitin ko ang panawagang ito: “Huwag gamitin ang hazard lights bilang pagpapakita sa […]

Riders alam mo bang bawal ang line splitting?

LANE splitting means using or sharing a lane already occupied by one vehicle by another vehicle such as a motorcycle or scooter in a road or highway. Ugali ng mga motor riders sa lansangan ang mag-lane-splitting. Ito yung bumabagtas sa gitna ng linya ng mga sasakyan o magtabi-tabi sa isang lane. Ito madalas ang pinagmumulan […]

Ano na ang nangyari sa speed limiter law?

NOONG nakaraang linggo ay isa na namang insidente ng pagkamatay dahil sa rumaragasang bus ang naitala ng pulisya dahil sa mga walang disiplinang pagmamaneho ng mga public utility bus at jeep. Alam natin, at laging laman ng mga balita na matibay ang posisyon ng pamahalaan tungkol sa modernisasyon ng ating mga public transport tulad ng […]

Sa wakas, may plate number na tayo

LAST week, inihayag ni Land Transportation Office Chief Asst. Secretary Adgar Galvante na sisimulan na nila ang pagpapalabas ng mga plate numbers ng mga kotseng inirehistro mula July 1, 2016 hanggang October 31, 2016. Ito ay matapos na makagawa ang kanilang bagong plate stamping machines ng mahigit 300,000 license plates simula nang kanila itong mabili […]

Walang enforcement sa mga two-wheels

KAMAKAILAN ay muli na namang pumutok ang balita tungkol sa mga “Riding-In-Tandem” killings at iba pang krimen bunga ng gawing ito ng mga naka-motorsiklo. Bigla na namang naghgigpit ang pulis at enforcers kunyari at pinagiinitan na naman ang mga pobreng naka-motorsiklo kahit. Alam kong sasabihin ng ordinaryong motorista na dapat lang naman talaga higpitan ang […]

Clamping at towing sa Makati

IlANG beses na rin nadale ng towing at tire clamping ang madaming kaibigan ko sa Makati. Karamihan ay nasa tama ang mga traffic enforcers at palagi kong sinasabihan ang mga kaibigan ko na huwag na magreklamo at sumunod na lamang sa batas. Tama lang na maging mahigpit sa pagpapatupad ng batas sa lansangan upang makatulong […]

Rush vs Xpander

SA katatapos na Toyota Road Trek na driving exercises sa Pampanga at Bataan ay nagawa naming subukan ang bagong compact SUV ng Toyota na tinawag nilang Rush. Maganda ang Rush. Maluwag at kaya rin magsakay ng pitong tao. Maganda ang fabric at materials ng loob nito at maging ang stereo at aircondition ay first class. […]

Signal light: Senyales ng paggalang sa kapwa

MINSAN na ba kayong hinawi ng isang nagmamadali nang walang pasabi? Hindi ba ugali ng Pilipino ang pasintabi kung tatawid o dadaan ka sa harapan nila? Hindi ba yumuyuko pa ito kung gagawin niya ito? Ito ay tinatawag na paggalang sa kapwa mo dahil maaaring makaistorbo ka sa kanilang ginagawa, sa kanilang tinitingnan, o dahil […]

What's trending