LTO nagbabala sa pekeng lisensiya na iniaalok sa Facebook | Bandera

LTO nagbabala sa pekeng lisensiya na iniaalok sa Facebook

Ira Panganiban - May 24, 2020 - 07:00 PM

ITONG quarantine period ay muli na namang naglipana ang mga switik, swindler at fixer. Kamakailan ay bumungad sa akin ang isang Facebook page na nag-aalok ng driver’s license sa mga expired at nais mag-renew at sa mga gusto rin kumuha ng student license. Medyo kaduda-duda dahil sinasabi sa FB account na hindi na kailangan magpakita ang aplikante ng lisensiya at litrato lang ang kailangan. Ang matindi, P5,000 ang singil kada lisensiya eh wala pang P1,000 ang totoong lisensiya. Mas mahal na talaga ang fake sa original. Tinawagan agad natin si LTO Director Asec Edgar Galvante tungkol dito at mabilis niyang sinabi na fake license nga ang mga ito. Madami raw mga fixer ang nawalan ng negosyo nang ibigay nila sa Dermalog ang trabaho nang paggawa ng driver’s license kung kaya naghahanap ng ibang rota ang mga fixer na ito. Magandang oportunidad din daw ito sa mga fixer dahil madaming mamamayan ang nag-aaalala sa mga expired driver’s license nila. Ayon kay Galvante, madali mahuhuli ang mga pekeng drivers license na ito dahil sa sangkatutak na security features ang ilalagay ng Dermalog dito kabilang ang biometric features tulad ng fingerprint at face recognition. Mayroon na rin mga gadget galing Dermalog ang mga LTO traffic enforcers na agad tutukoy kung orig ang lisensiya o fake isang swipe lang ang kailangan. Sinabi din ni Galvante na ang mga drivers license at car registration ay extended ang buhay hanggang 60-days matapos ang community quarantine. *** Para sa komento o suhestiyon, sumulat lang sa [email protected] o sa [email protected].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending