Madaming di makabayad sa car loans | Bandera

Madaming di makabayad sa car loans

Ira Panganiban - April 27, 2020 - 01:40 PM

HABANG isinusulat ko ang kolum na ito ay patuloy ang pagpasok ng mga katanungan sa akin tungkol sa mga nabinbin na bayarin sa kanilang mga car loans o utang sa kotseng binili nang hulugan.

At bagamat wala pa tayong maayos na datos mula sa credit bureau natin kung ano ang epekto ng ECQ sa mga utang, una nang sinabi ng pamahalaan na ihinto muna ang mga installment na bayarin sa mga amortization habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine.

Pero ano po ba ang maasahan natin sa ating mga car loans pagkatapos ng quarantine period?

Maaari pa bang humingi ng isang buwang palugit para naman umabot ang bayarin sa susunod na suweldo pagbalik sa trabaho?

Agad bang mahahatak ang kotse ko dahil sumobra na ako sa taning ng bayaran eh wala pa akong kinikita?

Ang mga iyan ay ilang lang sa mga katanungan na ating natatanggap.

Ayon sa isa sa mga kilala na car dealer sa bansa, ang aking kaibigang si Tey Sornet ng Lica Auto Group, ang pinakamalaking multi brand auto dealer sa bansa, ang nagsabi na hindi magiging problema ang mga darating na buwan sa mga may car loans.

Ayon kay Sornet, may palugit na dalawang buwan sa pagbabayad ng inyong installments sa mga banko dahil na rin sa utos ng gobyerno. Ibig sabihin ay uurong lang ng dalawang buwan ang inyong scheduled payments ng walang interes.

Kung kayo naman ay magkaproblema sa inyong monthly payments pagkatapos ng quarantine period, maaari naman kayong makipag-ugnayan sa inyong showroom/dealer upang matulungan kayo sa pag-aayos ng inyong payments.

Sa totoo lang naman, ayon sa ilang kaibigan sa bangko, hindi rin agad-agad na hinahatak ang kotse ninyo dahil bibigyan din kayo ng pagkakataon ng bangko o financial institution na isaayos ang loan status ninyo hanggang mga 3-buwan kahit wala pang nangyaring ECQ.

Maaari din ninyong ibenta ang kotse ninyo at ipasa ang balance sa makakabili nito, lalo na kung alaga ang sasakyan mo, sa tinatawag na assume-balance scheme.

Naiitindihan ng madaming credit facilities na hirap ang mga tao ngayon dahil huminto ang trabaho at walang pambayad.

Sa totoo lang, mas gusto ng mga nagpautang na ayusin ninyo ang bayarin ninyo kaysa hatakin ang kotse ninyo, dahil mas malaki ang mawawala sa kanila kung nakatambak ang mga repossessed cars sa kanilang mga garahe. Pag nangyari yun, napakalaking puhunan nila ang matutulog ng matagal sa parking lots nila.

***

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending