STAY home kapag quarantine, at bakit nga ba ito importante at lalo na ang pagpigil sa pagbiyahe?
Kapag tayo ay nasa biyahe, lingid sa ating kaalaman, madami tayong nadadaanang mga bagay-bagay at ito ay iniiwan natin sa ating pinuntahan.
Sa isang talata ng American Medical Journal, sinasabi nito na umaabot sa may 30,000 hanggang 40,000 skin cells ang nalalagas sa atin araw-araw at ito ay ikinakalat natin sa lahat ng lugar na pinupuntahan natin.
Sa loob na lang ng kotse natin ay may mahigit 10,000 skin cells ang naiiwan bawat araw ng isang taong sumasakay rito. Pano pa kung higit sa dalawa ang sumasakay rito?
Ang mga skin cells na ito ay dumidikit o nadadampot ng ibang tao sa katawan, damit o sapatos nila. Tayo rin ay nakadadampot ng skin cells ng iba.
Skin cells pa lang po iyang pinag-uusapan natin. Wala pa riyan ang mga dormant o inactive germs, bacteria at viruses na nakukuha natin nang hindi natin nalalaman. Isa itong dahilan kaya mabilis kumalat ang flu.
At ito rin ang dahilan kung bakit pinipigilan tayong bumiyahe ngayong may epidemiya ng Covid-19. Ito nga ay dahil hindi natin alam kung sino ang may dala ng virus at kung hanggang saan nila ito naiwan o nadala.
Kailangan ng mga otoridad na makontrol ang pagbiyahe ng virus para hindi ito kumalat at makaperwisyo ng mas marami pang iba. Dahil medyo multiplier effect ang banat ng pagkalat ng virus, ibig sabihin, sa bawat isang carrier, malamang na lima ang mahawaan niya.
At kung uuwi o papasok sa trabaho, malamang na may panibagong lima bawat isa ang hahawaan nila sa mga pupuntahan nila.
Ngayon, isipin natin kung gaano kalaking problema kung hahanapin ang mga carriers kung bibiyahe sila nang malayo habang sakay ng kotse, bus o eroplano, dala ang virus. Ito po ang dahilan kung bakit importante ang transport restriction kapag may epidemiya, upang mapigil sa isang lugar ang virus.
Medyo may lifespan po ang mga virus at sa kasong ito ay 14-days. Kung 14 days na walang malipatan ang virus ay kusang mamamatay ito. Pero bawat talon ng virus sa ibang host ay simula ulit ang 14-day count kaya medyo mas maganda ang quarantine period.
Delikado ho ang Covid-19. Nakamamatay po ito. Pero ang weakness nito ay ang hindi niya pagkalat at kalinisan ng katawan.
Subukan naman po natin sumunod sa quarantine rules dahil sa kaligtasan po natin ito.
Sabi nga namin sa motoring media “in safety, the life you save may be your own.”
***
Para sa komento o suhestiyon, sumulat sa [email protected] o sa [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.