Hindi raw essential ang auto service industry ngayong may Covid-19 crisis
TINANGGIHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang petition ng Philippine Automotive Dealers Association (PADA) na pagbigyan silang makapagbukas ng service centers kahit na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) tayo.
Ayon sa DTI, hindi naman daw nila nakikita ang importansya ng auto service industry sa komunidad ngayong tayo ay under quarantine.
Dito natin makikita na lihis talaga mag-isip ang ilang mga government executives natin lalo na kapag may emergency.
Ang transportasyon ang isa sa mga primary services na kailangan tuwing may crisis o calamity sa isang komunidad.
Kailangan ng transportation upang dalhin ang mga goods and personnel sa mga lugar na nangangailangan nito.
Kahit sabihin na kokonti ang mga sasakyan na lumalabas, lahat naman ng sasakyan na ginagamit ay para sa critical services.
Dito papasok ang importansya ng vehicle servicing. Kailangan maintained ang mga sasakyan na umiikot ngayon dahil mas importante na makarating ang serbisyo o goods sa pupuntahan.
Kung masama ang kondisyon ng sasakyan ay malamang sa hindi na maabala ang pag-transport ng vital goods and services sa mga may kailangan nito.
Dapat naisip ng mga executives ng DTI na ang konting aberya sa transport services ay maaaring buhay ang nakataya.
Hindi naman hinihingi ng PADA na makapagbenta sila ng sasakyan kundi mabuksan lamang ang service centers nila para maasikaso ang request for service ng mga sasakyang ginagamit natin sa pagkontrol ng Covid 19 pandemic.
Isang serbisyong hinihingi din sa kanila ng mga kliyente nila na bumili ng bus, trak, ambulansya, at iba pang service vehicles na gamit ngayon ng pamahalaan at private sector na nagtatrabaho para kontrahin ang masamang epekto ng Covid-19.
***
Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.