ABAP hirap makabuo ng boxing team | Bandera

ABAP hirap makabuo ng boxing team

- July 22, 2015 - 01:00 AM

Sa susunod na buwan na gaganapin ang Asian Boxing Confederation elite men’s championship sa Bangkok pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makabuo ng pambansang koponan ang Association of Boxing of Alliances of the Philippines (ABAP).

“We’re way behind sche- dule. Gahol na gahol na sa oras,” sabi ni ABAP executive director Ed Picson kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Sabi ni Picson, karamihan sa miyembro ng pambansang koponan ay mga tauhan rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ni-recall ng kani-kanilang mother units noong Hunyo 30.

Para makapag-ensayo, kailangang humingi ng detailed service permits ang 118 military athletes, kabilang ang walong boxers.

Ayon kay Picson, hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng detailed service permits ang kanyang mga boxers para makalabas ng barracks.

Ang Asian Championships sa Bangkok ay mag-uumpisa sa Agosto 25. Ito ay magsisilbing qualifying event para sa World Championships sa Doha Qatar sa Oktubre na siyang qualifying tournament naman para sa 2016 Rio Olympics.

“Right now we have no team to the Asian championships because we don’t have the chance to evaluate our boxers,” dagdag pa ni Picson.

“I hope they (AFP) give us due consideration. We can’t blame the military. We understand the protocol that’s why we are appealing.”

Ayon kay Picson, kakapusin sa ensayo ang mga boxers kapag hindi sila makalalabas ng barracks sa linggong ito.

“It takes more than a month to prepare for such tournament. This is as urgent as it can get. We’re hoping they could see it in the manner that we do,” aniya.

Ang mga tinutukoy na AFP boxers ni Picson ay sina Mark Anthony Barriga, Rey Saludar, Wilfredo Lopez, Eumir Felix Marcial, Dennis Galvan, Junel Cantancio, Nico Magliquian, at Mario Fernandez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa 10 kategorya sa Bangkok, balak ng ABAP na magpadala ng boxers sa pito o walong weight division.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending