Camille ikakasal na uli; naiyak sa beach proposal ng dyowang negosyante | Bandera

Camille ikakasal na uli; naiyak sa beach proposal ng dyowang negosyante

Ervin Santiago |July 20,2015
facebook
share this

Camille ikakasal na uli; naiyak sa beach proposal ng dyowang negosyante

Ervin Santiago - July 20, 2015 - 02:00 AM

camille prats

ENGAGED na ang Kapuso TV host-actress na si Camille Prats sa businessman boyfriend niyang si John “VJ” Yambao.

Nag-propose si John kay Camille noong Sabado sa harap ng ilan nilang kaanak at kaibigan sa Nayomi Sanctuary resort na pag-aari ng pamilya Prats sa Balete, Batangas.

Sa nasabing resort din ikinasal ang kuya ni Camille na si John Prats at aktres na si Isabel Oli noong May 16, 2015.

Sa Instagram ipinost ng Nice Print Photography (ang nakatulong din ni John Prats noon sa pagsasagawa ng surprise proposal niya kay Isabel sa Eastwood Mall) ang mga kuha sa engagement nina Camille at VJ na may caption na: “The sweetest thing! [Camille Prats] just said YES!”

Nilagyan ito ng hashtag na “#PrincessSarahSaidYes” na hango sa pinasikat na character noon sa pelikula ni Camille.

Sa unang larawan ay makikitang nakaupo si Camille habang nakaluhod naman si VJ sa petals na ikinalat sa sahig. Makikita rin sa picture si Nathan, ang anak ni Camille sa una niyang asawang si Anthony Linsangan.

May kuha rin ang Kapuso actress habang hawak ang bouquet of flowers na ibinigay din ni VJ at isa pang kuha kung saan ibinandera ni Camille ang kanyang engagement ring.

Hindi napigilan ni Camille ang pag-iyang habang tinatanggap ang singsing sa kanyang boyfriend.
Nauna nang ikinasal noong 2008 si Camille sa childhood friend niyang si Anthony, pero noong 2011 ay pumanaw ito sa edad na 31 dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer.

Naiwan sa pangangalaga ni Camille ang anak nilang si Nathan na pitong taong gulang na ngayon. Sa huling panayam namin kay Camille, sinabi ng aktres na lagi niyang ipinagdarasal ang relasyon nila ni VJ.

At nararamdaman niya na masaya rin si Anthony para sa kanila ni VJ. Natutuwa rin siya dahil mahal na mahal ng kanyang bagong mapapangasawa ang anak niyang si Nathan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending