Enchong nag-lip sync sa ‘Dee Tour’ concert | Bandera

Enchong nag-lip sync sa ‘Dee Tour’ concert

Reggee Bonoan - July 19, 2015 - 02:00 AM

enchong dee

SI Enchong Dee kaya ang aktor na naba-blind item na naglip-sync daw sa kanyang nakaraang concert?
Siguro naman hindi apektado si Enchong sa mga nagsasabing nag-lip sync siya sa kanyang “DeeTour” concert na ginanap sa Music Museum dahil tiyak na ang ikakatwiran niya ay hindi naman siya lehitimong singer at sa katunayan ay inamin naman niya ito.

“Hindi ako singer, hindi ako dancer, gusto ko lang matuloy ang pangarap kong mag-concert,” sabi ni Enchong nang makausap namin siya bago ang kanyang kauna-unahang major concert

At dahil napanood namin ang “DeeTour” concert ni Enchong, masasabi rin naming totoong naglip-sync siya sa ilang production numbers, ‘yung iba naman ay “plus one” tulad ng sinasabi ni Angeline Quinto na ginagawa rin niya kung minsan, na ang ibig sabihin ay may sinasabayan siyang boses sa background.

Anyway, sigurado kaming hindi malalagay sa alanganin ang career ni Enchong dahil sa pagli-lip sync niya sa kanyang concert dahil marami naman siyang pinaligaya sa mga ginawa niya sa show at sa katunayan ay magkakaroon pa ng nationwide tour ang “DeeTour”.

Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ng Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito ngayong gabi sa ABS-CBN, malalagay sa matinding panganib ang mga karakter nila ni Richard Yap sa programa.

Matapos ang kanyang pakikipaglaban kay Johnson (David Chua), haharap sa malaking problema si Diego (Enchong) nang matuklasan ng kanyang kapatid na siya ang superhero na si Kung Fu Chinito.

Ano ang gagawin nina Diego at Chairman Tan (Richard) kapag nabunyag sa lahat ang tunay na pagkatao ng tagapagligtas ng kanilang bayan? Paano nga ba ipagpapatuloy ni Diego ang bago niyang misyon sa oras na malagay sa kapahamakan ang kanyang pamilya?

Kasama rin nina Richard at Enchong sa kanilang Wansapanataym special sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, Mutya Orquia at Clarence Delgado mula sa panulat ni Mariami Tanangco Domingo, at sa direksyon ni Erick Salud.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending