Insidente sa Makati City Hall | Bandera

Insidente sa Makati City Hall

Ramon Tulfo - July 02, 2015 - 03:00 AM

SA wakas, tinablan din ng hiya ang makapal na mukha ni Makati Mayor Junjun Binay kaya’t bumaba sa puwesto upang magbigay daan sa suspension order na ibinaba ng Office of the Ombudsman laban sa kanya.

Pero, talagang wala din naman siyang magawa kundi bumaba sa puwesto dahil alam niya na di magtatagal ay papasukin na siya ng mga pulis sa kanyang opisina sa Makati City Hall at bubuhatin siya sa kanyang kinauupuan at itatapon sa kalye.
Ito’y upang maisagawa ang suspension order.

Si Junjun at ang ama na si Vice President Jojo, kung saan niya minana ang kanyang kakapalan ng pagmumukha, ay nahaharap ng kasong plunder at graft sa Ombudsman.

Bago pansamantalang bumaba si Junjun sa puwesto, siya at ang kanyang ama ay natutulog sa Office of the Mayor upang mapigil ang pagsasagawa ng suspension order sa kanya.

Tumapang sila ng kanyang ama na hindi maisasagawa ang suspension order dahil marami silang mga bayaran at palamunin na mga taong nakaharang sa pintuan ng Makati City Hall .

Kung ang akala ni Junjun ay makakabalik pa siya bago ang election sa isang taon, nagkakamali siya.

Six months ang suspension order niya sa kaso ng overpricing sa construction ng Makati City Science High School Building II.

Six months naman ang suspension niya sa kaso ng overpricing ng Makati City Hall Building II.

At nagsawa na ang mga botante ng Makati sa kanya.

Nakita nila kung anong asal ng mga Binay kapag naging pangulo si Jojo.

Wala pa nga sa pwesto si Jojo Binay, ganoon na kaarogante at gutom sa kapangyarihan ang pamilya Binay.

Akala nila kasi ay pag-aari nila ang Makati.

Ito namang mga pobreng mga botante, na mas marami kesa sa mga intelihenteng botante, ay iniluklok ang mga Binay sa kani-kanilang mga pwesto dahil akala nila ay kagaya nila ang pamilya Binay.

Mukha kasing mga kawawa at parang yagit ang mga Binay; naturingan lang na nakadamit na sila ng maayos.

Mga limang taon na ngayon nang inupahan ni Jojo Binay ang dalawang US pollsters na ginagamit din ni President Barack Obama upang tumaas ang kanyang popularity ratings, sabi ng aking source.

Ito ang nakasaad sa e-mail na natanggap ng aking source sa kanyang kaibigang Amerikano na isang pollster din:

“VP JJ has been working with Obama’s pollsters, Joel Benensen and Pete Prodnitz, for quite sometime in the Philippines .

“They have a completely professional operation in place and a sophisticated strategy.

“Interestingly, their research is showing voters REALLY don’t like Mar (Roxas), his style and the way his personality comes off.

“Thought you should know this.”

Kaya naman pala mabagal ang pagbaba ng popularity ratings ni Binay kahit na bugbog na ang kanyang pangalan sa reports na siya’y sangkot sa pangungulimbat sa kaban ng bayan.

Mahal daw sina Benenson at Prodnitz, sabi ng a-king source, kaya’t mala-king halaga ang binabayad ni Binay sa kanila.

Posibleng hundreds of thousands of dollars buwan-buwan ang ibi-nabayad ng mga Binay sa dalawang American pollsters.

Pinitsirahan ni Vice President Jejomar Binay ang ilan sa mga pulis na nagsasagawa ng suspension order sa kanyang anak na si Junjun na galing sa Ombudsman.

Siyempre, matapang lang siya dahil kaharap niya ang TV camera at nagpapakitang gilas siya sa kanilang mga supporters.

Kung walang bodyguards si Binay, magiging duwag siya at ang kanyang buntot ay nakabahag sa pagitan ng kanyang dalawang paa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Binay ay may isang platoon na mga Marines at pulis na bodyguards.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending