Ogie, Regine nakakaramdam ng ‘banta’ sa mga baguhan, batang singer?
AMINADO ang celebrity couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na may mga pagkakataon na naiisip nila ang “paglipas” ng kanilang showbiz career.
Lalo na raw ang Asia’s Songbird na nag-aalala rin tungkol pagkakaroon ng mga bago, bata at magagaling na singer sa panahon ngayon.
Baka Bet Mo: Pabidang netizen supalpal kay Regine: ‘Wait, ano bang akala mo sa asawa ko si SpiderMan?’
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong nga si Ogie kung nakakaramdam din sila ng “banta” sa kanilang career na tumatagal ng ilang dekada.
View this post on Instagram
Binalikan din ni Tito Boy ang sinabi ni Regine sa isang interview na, “hindi ko na panahon” o lumipas na ang kanyang kasikatan bilang singer at aktres.
Sabi ni Ogie, “Always. Araw-araw namin ‘yang pinag-uusapan, at araw-araw kaming nagkakaroon ng maraming realization.
“Una, minsan kasi nahuhuli ko siya na pinanonood niya ‘yung videos niya noong bata pa siya. Tapos sasabihin niya sa akin, ‘Tingnan mo o, ang taas ng boses ko, ‘no? Ang galing ko noon ‘no?’
“Sasabihin ko, ‘Hindi, magaling ka pa rin hanggang ngayon. Iba lang ang istilo mo ngayon.
Baka Bet Mo: Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie
“Mas may puso ka nang kumanta kasi nandito na ako sa buhay mo,’” sabi pa ng Ultimate Singer-Songwriter.
“Sasabihin namin, ‘Ang dami nang bago ‘no, ang dami nang magaling. Ang dami nang bata. Wala na siguro tayo,’” dagdag pa ng asawa ni Ate Regs.
Pero sabi raw ni Ogie sa kanyang misis, “‘Ano ka ba? Oo! Pero hindi naman wala. Nandito pa rin tayo. Ang mahalaga alam natin kung saan tayo lulugar.’
“Marami nang bagong darating talaga. Pero ang maganda, nakukuha mo ‘yung respeto ng mga batang ‘yan,” pagbabahagi pa ni Ogie sa pag-uusap nila ni Regine.
Ang nakakatuwa pa raw kay Regine, gustung-gusto nitong sumusuporta sa mga baguhan at batang singer kaya kung bakante siya at talagang nagge-guest siya sa concert ng mga ito.
View this post on Instagram
“She wants to be part of the lives and careers of those who are coming,” sey ni Ogie.
“Kasi naaalala niya noong nagsisimula siya, ganyan din sina Pilita Corrales), sina Kuh (Ledesma), sina Pops (Fernandez) sa kanya. Hindi niya nalilimutan ‘yun,” pahayag pa ni Ogie Alcasid.
Samantala, matagumpay ang ginanap na trade launch ng pag-aaring talent management and production ni Ogie, ang A Team sa CWC Interiors Showroom nitong May 23, sa BGC, Taguig City.
Bukod sa pagmama-manage ng talents, kakaririn din ng A Team ang pagpo-produce ng concerts at shows. Sey ni Ogie, 21 shows ang planong gawin ng A Team ngayong taon hanggang 2025.
Mauuna nga riyan ang major concert ni Martin Nievera at susundan ng reunion concert ng iconic all-male group na Streetboys sa November 8, 2024, sa New Frontier Theater.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.