Pabidang netizen supalpal kay Regine: 'Wait, ano bang akala mo sa asawa ko si SpiderMan?' Bandera

Pabidang netizen supalpal kay Regine: ‘Wait, ano bang akala mo sa asawa ko si SpiderMan?’

Ervin Santiago |October 06,2022
share this

Pabidang netizen supalpal kay Regine: ‘Wait, ano bang akala mo sa asawa ko si SpiderMan?’

Ervin Santiago - October 06, 2022 - 08:23 PM
Pabidang netizen supalpal kay Regine: 'Wait, ano bang akala mo sa asawa ko si SpiderMan?'

SINUPALPAL ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang isang netizen na nanisi sa asawang si Ogie Alcasid nang mawalan siya ng balanse on stage.

Hindi nagustuhan ng OPM at gay icon ang pinagsasabi ng nasabing netizen na nagpapanggap pa raw na fan niya pero ang talagang gusto raw nitong mangyari ay ang masira ang relasyon nilang mag-asawa.

Naikuwento ni Ogie na nawalan ng balanse si Regine habang nagsasalita pagkatapos ng performance nila para sa birthday celebration ng kapwa host niya sa “Showtime” na si Jhong Hilario.

Tweet ni Ogie, “Ty lord!!! Glad wifey is safe. She lost her balance while we were doing a spiel during a performance for the bday of the Father of @jhongsample she is ok and safe.”

Nag-comment naman dito ang nakasagutang netizen ni Regine na nagsabing ang bagal daw kasing kumilos ni Ogie kaya hindi niya agad nasalo ang asawa.

“No one’s putting the blame on him, ang amin lang is it should’ve been avoided if he was fast enough to catch him.

“If he acted faster, he could’ve caught her before she fell into the ground. he could’ve dropped the things he was holding, and rushed to her.

“Yung fellow Showtime host niya nga na nakaupo sa may audience, rushed to her when he saw what happened. while him on the other hand, they were standing next to each other na, wala pa siyang nagawa,” mensahe ng netizen.

Pagpapatuloy pa nito, “We’re not saying he was the root/reason why she slipped and fall, or something. what we’re saying is that, the said incident could have been avoided if he was fast enough to catch or hold her. it’s normal to slip, maybe the floor is actually slippery or something.

“But again, maiiwasan sana yung pag-bagsak ni ate sa sahig kung mabilis siyang kumilos. katabi na niya, di niya pa nasalo.

“This is just my two cents, so y’all can say whatever you want. but if you’re one of those ppl who chose to defend him instead of worrying/hoping she’s in good shape, then y’all have no rights to comment on this, ciao!” sabi pa ng netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

Narito naman ang reaksyon ng Asia’s Songbird, “Wait ano ba akala mo sa asawa ko si SpiderMan? everything happened so fast at pano nya ma anticipate na mahuhulog ako eh bakatayu lang naman ako.

“You guys have to STOP blaming him and yes YOU are blaming him.

“By the way nakakapagud na yung mga taong nagpapanggap na ‘we care about her’ and yet continues to wish my relationship with MY HUSBAND to fail I don’t understand anymore. Well I guess block kiti block na lang ako. Hay,” sey pa ni Regine na ang tinutukoy ay ang mga tsismis na “on the rocks” na raw ang relasyon nila ni Ogie.

Mismong si Ogie naman ang nagdenay ng chika, “I have read some tweets about my wife and I having marital problems.

“For the record, wifey and I are so much in love and there has not been a day where that love has for each has ever diminished,” sey pa ni Ogie.

Related Chika:
Ogie super proud kay Regine: Flex ko lang ang asawa ko…ganyan siya kasimple, super mom & super wife!

Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

Regine umiiyak habang minamasahe ni Ogie: I’m so, so, so in love with my husband!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending