Miss Camiguin Rethiana Rosy viral kahit nganga sa MUPH 2024

Miss Camiguin Rethiana Rosy viral kahit nganga sa Miss Universe PH 2024

Ervin Santiago - May 27, 2024 - 06:00 AM

Miss Camiguin Rethiana Rosy viral kahit nganga sa Miss Universe PH 2024

Miss Camiguin Rethiana Rosy kasama si Alden Richards at ang iba pang hosts at candidates sa Miss Universe Philippines 2024

NAKAKALOKA ang pang-aagaw ng eksena ng isang kandidata sa ginanap na grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2024 last May 22.

Ang tinutukoy namin ay ang bet ng Camiguin na si Rethiana Rosy na kahit hindi nakapasok sa Top 20 ng naturang pageant ay talagang pinag-usapan din nang bonggang-bongga sa social media.

Baka Bet Mo: 32 finalist sa 2022 Miss Universe PH ibinandera na; Michelle Dee, Celeste Cortesi, Katrina Llegado pasok sa banga

E, kasi nga, pak na pak ngayon ang viral video ni Rethiana na binansagan at kinoronahan ng mga netizens bilang “Miss Universe Philippines Marites 2024” at “Miss Matanglawin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rosy (@rethianarosy)


Mapapanood sa naturang viral video ang announcement ng winners sa Miss Universe Philippines 2024 coronation night na ginanap nitong nagdaang May 22, sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Makikita ang dalawang natitirang kandidata na sina Stacey Gabriel ng Cainta at Chelsea Manalo ng Bulacan. Nasa stage rin ang hosts na sina R’Bonney Gabriel, Jeanie Mai Jenkins, at Alden Richards.

Ang Asia’s Multimedia Star at Kapuso actor ang may hawak ng resulta ng pageant na siya ring nakatokang mag-announce ng winner. Makikita sa likod ng mga host ang ilang kandidata, kabilang na nga si Rethiana.

Kitang-kita sa video si Rethiana na tila hindi na makapaghintay kung sino ang mananalo hanggang sa sipatin na nga niya ang hawak ni Alden na envelope.

Baka Bet Mo: Miss Pasay City Celeste Cortesi waging Miss Universe Philippines 2022

Kasunod nito, nagtawanan ang ilang kandidata with matching hampasan pa na parang alam na nila kung sino ang tatanghaling bagong Miss Universe Philippines. Wala silang kamalay-malay na kitang-kita sila sa video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rosy (@rethianarosy)


Nahagip din sa camera ang pagtakip ni Miss Occidental Mindoro Zoleil Mellane Oliveros Taño sa bibig ni Rethiana dahil  baka nga naman ma-lip read ang sinasabi nito.

Matapos pagpiyestahan sa socmed ang naturang video ay humingi naman ng paumanhin si Rethiana sa mga naloka sa kanya.

“Sorry na po kaagad… I did not expect na kita pa kami sa camera since nasa pinakadulo na kami,” ang pahayag ni Miss Camiguin sa kanyang Instagram Story.

Halos ganito rin ang ipinost niya sa kanyang Facebook page kalakip ang nag-viral niyang video na may caption na, “POV: Marites is life”

Mensahe ni Rethiana, “Sorry na po kaagad… di po namin inexpect kita pa rin kami sa camera hahahahaha.”

“Thank you for representing CAMIGUIN’S MARITESES.”

“MS matanglawin is Camiguin!”

“May magnifying glass siguro yung mata ni Miss Camiguin. Hahahaha!”

“GRABENG MATA YAN. SANA ALL!”

“Super very us! So us!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Miss Camiguin is the true representation of Philippines – the Marites Country of South East Asia hahahaha.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending