Heart pinatunayan ang powers sa pagiging fashion icon, kumabig ng milyun-milyon nang rumampa sa Paris Fashion Week
Pak na pak ang muling pagrampa ni Heart sa naganap na Haute Couture Paris Fashion Week kamakailan kung saan muli nga niyang pinatunayan ang pagiging fashion icon ng hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Dahil sa tindi ng kanyang presence at influence sa mundo ng fashion, siya lang naman ang itinanghal na “top driver” sa Paris Haute Couture Fashion Week’s MIV® (Media Impact Value) sa Asia Pacific.
Yan ay base sa data na inilabas ng Launchmetrics na nagsasabing nanguna nga si Heart sa pabonggahan sa global fashion media, kaya naman muling nagmarka ang Pilipinas sa international market.
Sa mga hindi pa masyadong aware, ang MIV® ay isang “proprietary algorithm by Launchmetrics that measures the impact of media coverage of placements related to a particular subject, in this case the much-awaited Paris fashion event.
“The metric measures the equivalent monetary amount of public posts, articles, and audience interactions of a recognized influencer in the fashion, luxury and beauty industries.”
Sa total MIV® estimated at $118.8 million, nakapag-contribute daw ang Kapuso fashion influencer ng “$1.27 million worth of mileage across 11 placements, only one of two who made a contribution past the million mark in the Asia Pacific region, an emerging fashion hotspot.”
Nasa second spot ang Indian actress at model na si Urvashi Rautela, na naka-generate ng $1.24 million in MIV® through five placements. Sumunod naman ang Asian American actress na si Lana Condor na nakakuha ng $767,000, at ang Indian fashionista at entrepreneur na si Masoom Minawala na nakapag- deliver ng $616,000.
Ang iba pang Asian stars na pasok sa listahan ng mga nakapag-contribute ng MIV® dollars sa Paris fashion event ay sina Bella Ranee Campen, Diana Penty, William Chan, Fan BingBing, at ang Thai superstar na si Tontawan Tantivejakul.
By the way, Heart’s Launchmetrics win was prominently reported in lifestyle website EnVi Media, who noted the list of “top APAC voices creating buzz during the event.” It cited how “fashion darling” Heart ranked at the top.
And right at the fashion summit she is, as she continues to beguile audiences as an established fashion authority commanding global attention.
Last week, naging hot topic din ang fashion statement ng Kapuso star sa ginanap na GMA Gala 2023 at State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos. Rumampa ang fashion queen sa mga naturang event kasama ang asawang si Sen. Chiz Escudero.
Related Chika:
Heart ‘tiis-ganda’ sa Paris Fashion Week 2022: Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya!
Heart Evangelista chinika paano naging ‘luxury influencer’, milyones na nga ba ang kinikita?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.