Paandar ng tatay ni Heart: Buy ka ng sapatos mo at jacket, Christmas gift ko na sa 'yo, bayaran ko na lang pagbalik mo | Bandera

Paandar ng tatay ni Heart: Buy ka ng sapatos mo at jacket, Christmas gift ko na sa ‘yo, bayaran ko na lang pagbalik mo

Ervin Santiago |November 17,2022
facebook
share this

Paandar ng tatay ni Heart: Buy ka ng sapatos mo at jacket, Christmas gift ko na sa ‘yo, bayaran ko na lang pagbalik mo

Ervin Santiago - November 17, 2022 - 07:30 AM

Paandar ng tatay ni Heart: Buy ka ng sapatos mo at jacket, Christmas gift ko na sa 'yo, bayaran ko na lang pagbalik mo

Heart Evangelista at Reynaldo Ongpauco

TUWANG-TUWA ang fashion icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista nang matanggap ang text message ng kanyang tatay.

Parang nagbalik sa pagkabata si Heart nang mabasa at replayan ang mensahe sa kanya ng amang si Reynaldo Ongpauco.

Kahit na raw nasa ibang bansa siya ay hindi siya nakakalimutang kumustahin ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang pinakamamahal na tatay.

Ipinakita ng Kapuso star sa kanyang social media followers ang naging palitan nila ng text message ng ama.

Aniya, isa raw ito sa mga itinuturing niyang “gamot” para mawala ang stress at pagod mula sa pagtatrabaho.

Sa kanyang post, ipinakita ng aktres ang kanyang litrato na may hawak na bulaklak, sabay sabing, “Kahapon bili ako flowers.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Sagot naman ni Mr. Ongpauco, “Buy ka ng sapatos mo, Christmas gift ko sa’yo, bayaran ko na lang ‘yung jacket at sapatos mo pagbalik mo. Okay, be happy, see you.”

Reply sa kanya ni Heart, “Aww, thank you! Hehehe.”

Kalakip din ng socmed post ni Heart ang throwback photo niya noong batambata pa siya kasama ang kanyang father dear.

Patunay lamang ito na napakaganda pa rin ng relasyon ni Heart sa kanyang pamilya. Hanggang ngayon naman ay wala pa ring ibinibigay na update si Heart tungkol sa asawang si Sen. Chiz Escudero.

Inamin ni Heart na napapagod at nai-stress din siya sa pag-attend at pagrampa  sa mga international fashion events.

Inamin ng fashion icon na hindi rin madali ang pinaggagagawa niya sa mga pinupuntahang fashion week lalo na sa Europe dahil talagang kinakarir nga niya ito magkaroon ng malakas na impact.

Sa isa niyang YouTube vlog, mapapanood ang pagbabahagi ng aktres tungkol sa mga naging kaganapan sa pagpunta niya sa Milan Fashion Week noong November 9.

Ipinakita nga ng Kapuso star kung gaano kahirap at katindi ang ginagawa niyang preparasyon kapag naiimbita siya sa isang fashion event.

Aniya, dalawa hanggang tatlp lamang ang kasama niya lagi kapag umaalis ng bansa para magtrabaho at magpaka-fashionista — yan ay ang kanyang mga stylist at videographer.

Sa nasabing vlog, sinabi ni Heart kung gaano katindi ang “stress” na naranasan niya sa pagpunta sa Milan Fashion Week na sunod-sunod ang fashion shows.

Sabi ni Heart, kung minsan ay nakakaranas din siya ng sobrang stress at “pagod na pagod.”

Pahayag pa ng aktres, “We go to fashion week because it’s our work.

“Aside from the fact that it’s very fun, aside from the fact that I started fashion week because I was trying to be creative with my time,” dagdag pa niya.

B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng!

Heart nagtagumpay dahil sa nagpakatotoo: Kikay talaga ako at may narating ang pagkakikay ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pia ibinandera na rin ang pag-aaring sosyaling branded stuff: Heart made me do it…nakikiuso lang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending