Clint Bondad, Tom Rodriguez iniintriga, kaloka ang pasabog sa IG

Clint Bondad, Tom Rodriguez iniintriga, kaloka ang pasabog sa Instagram

Ervin Santiago - May 22, 2024 - 09:39 AM

Clint Bondad, Tom Rodriguez iniintriga, kaloka ang pasabog sa Instagram

Tom Rodriguez at Clint Bondad

ANYARE!? Yan ang gulat na gulat na tanong ng mga netizens nang makita ang Instagram account ng hunk model na si Clint Bondad.

Naintriga ang followers ni Clint sa IG dahil nawala ang lahat ng mga pangalan sa listahan ng kanyang mga pina-follow pero may natira ngang isa — yan ay ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Naloka ang mga X users (dating Twitter) nang ibandera ng isang netizen kahapon, May 21, ang tungkol sa napansin niyang “something” sa Instagram account ni Clint.

Baka Bet Mo: Lovi Poe imposibleng mabuntis habang ginagawa ang ‘Batang Quiapo’

Hirit nito, “Just in: Clint Bondad is only following Tom Rodriguez on Instagram, no one else.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Clint Bondad (@clintbondad)


Nang itsek namin ang IG page ng hunk model ay meron na itong 618K followers pero ang nakakagulat nga ay tanging si Tom lamang ang kanyang pina-follow. Naka-follow din si Tom sa kanya.

Siyempre, shookt ang mga netizens sa paandar ni Clint. Ask ng isang X user, “OMG ka marse. Hahaha! What’s the tea? Char!”

Reply naman sa kanya ng nag-post sa mga screenshot ng IG page ni Clint, “Catriona ang peg mader. Ganyan siya kay Cat dati diba charot.”

Baka Bet Mo: Kaye Abad gulat na gulat sa naging impact ng ‘Tabing Ilog’ sa madlang pipol, posible pa kayang magkaroon ng reunion at bagong version?

Ang “Catriona” na tinutukoy sa comment ng netizen ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray na naging karelasyon ng binata. Six years naging magdyowa ang dalawa pero naghiwalay din sila noong 2019.

Narito pa ang ilang comments na nabasa namin sa social media hinggil sa chikang ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Clint Bondad (@clintbondad)


“Kung kani-kaninong buhay sumusulpot ‘tong si clint bondad.”

“Just in: Clint Bondad is following Tom Rodriguez on Instagram. He is the only person he is following. Sana all isa lang fnofollow.”

“Clint Bondad is following Tom Rodriguez on Instagram. He is the only person he is following. Plss ayaw ko mag overthink.”

Matatandaang naging isyu noon ang pagiging malapit sa isa’t isa ng Thai transwoman billionaire at Miss Universe Organization owner na si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat ang artikulong ito ay wala pang reaksyon sina Clint at Tom sa pang-iintriga sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending