Hugot ni Chito: Bakit ba gulat na gulat yung iba na pinsan ko si Donny...lamang lang siya sa 'kin ng 2,000,000 paligo!? | Bandera

Hugot ni Chito: Bakit ba gulat na gulat yung iba na pinsan ko si Donny…lamang lang siya sa ‘kin ng 2,000,000 paligo!?

Ervin Santiago - May 08, 2022 - 03:23 PM

Donny Pangilinan at Chito Miranda

ALIW na aliw kami sa latest Instagram post ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda patungkol sa Kapamilya young actor at VJ na si Donny Pangilinan.

Pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng mga supporters at social media followers ni Donny ang black and white photo ng young actor na ibinahagi ni Chito sa madlang pipol.

Aniya sa unang bahagi ng kanyang caption, “Bakit nga ba gulat na gulat yung iba na pinsan ko si Donny…eh lamang lang naman sya sa akin ng mga 2,000,000 na paligo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Depensa naman ng mister ni Neri Miranda, “2nd cousin ko sya, kasi mag-pinsang buo yung dad ko at yung dad nya…kaya naging related din ako kay Tito Gary V, Ate Sharon, and yes, kay Kuya Kiko.

“Kuya ang tawag ko sa kanya kasi kuya and ate ang mga tawag namin sa mga pinsan ng Dad ko na malapit sa age namin…wala lang, nasanay lang kami.

“Actually, mas naging close kami sa mga uncle at auntie namin sa Pangilinan side dahil mas magkakalapit kami ng age, at sila yung mas madalas naming makatambay, compared sa mga pinsan namin, who were a lot younger than we were,” pahayag pa ng OPM icon at award-winning singer-songwriter.

Pagbabalik-tanaw pa ni Chito, “Dati nga, nu’ng nanalo yung Parokya ng best rap video (or best collab yata) for Bagsakan sa Myx Awards, nu’ng umakyat kami ng mga kabanda ko sa stage, nagpasalamat ako kay Gloc at kay Kiko Pangilinan instead na kay Kiko Magalona kaya du’n nabuo yung ‘Nandito na si Kiko, si Kiko Pangilinan…’

“Pero mas naging close sila Kuya Kiko at si Neri dahil sa farming (at si Ate Sharon naman with Neri dahil pareho silang madaldal), as in nag-e-exchange sila Neri at Kuya Kiko ng notes pagdating sa farming.

“And sometimes dini-discuss din nila kung gaano kahirap ang buhay ng farmers, lalo na nu’ng sinubukan ni Neri magpatanim ng palay, at nalaman nya kung gaano kahirap yung process, at kung gaano kaliit yung kinikita ng mga farmers (crying emoji),” chika pa ni Chito.

Ang hiling naman ng singer ngayong eleksyon, “Anyway, sana manalo si Kuya Kiko, para matulungan nya mas lalo at maging priority ng gobyerno ang mga farmers at mangingisda.

“Masasabi ko naman talaga na matino at mabait talaga si Kuya Kiko…at makulit (kahit minsan corny yung mga jokes nya… pero ganun talaga eh hahaha).

“Anyway, naniniwala talaga ako na we all want what’s best for the Philippines, at pinagdarasal ko talaga na sana’y piliin ng mga Pilipino kung sino ang pinaka-makakabuti sa Pilipinas.

“Peace, and goodvibes sa ating lahat. God bless us all,” pahayag pa ng veteran singer-composer.

https://bandera.inquirer.net/281928/sharon-pinipilit-si-kiko-na-magpakulay-ng-buhok-hindi-ko-matatanggap-na-katabi-ko-lolo

https://bandera.inquirer.net/291258/lyca-sa-viral-vlog-ni-karen-sobrang-totoo-po-ang-gulat-ko-ang-pangit-po-ng-gulat-ko-walang-maganda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/295985/netizens-curious-sa-pinsan-ni-kylie-na-si-princess-paulino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending