aktres na laging 'on time' umuwi kahit hindi pa tapos ang eksena

Bidang aktres na laging ‘on time’ umuwi kahit hindi pa tapos ang eksena

Reggee Bonoan - May 26, 2024 - 11:31 AM

bidang aktres na laging 'on time' umuwi kahit hindi pa tapos ang eksena

SA isang serye ay maagang umaalis ang bidang aktres dahil ito ang deal niya sa management na maaga siyang pupunta sa set, pero pagtuntong ng alas nuwebe ng gabi ay kailangan na niyang umuwi.

Simula ng magka-pandemya ay napagkasunduan na ng mga producer at director na hanggang 14 hours lang ang taping/shooting para magkaroon ng tamang oras na pahinga ang mga artista at taga-production.

Pero kapag hindi kaya ay nagiging 16 hours na at pakiusapan na ito sa artista at sa management niya, pero sa bidang aktres ng serye ay kahit anong oras siya i-call time ay wala siya care basta pack-up na siya ng 9PM, tapos o hindi ang eksena niya.

Baka Bet Mo: Neri Miranda maagang nagising para sa bagong laban ng buhay: ‘Happy Labor Day! May off ba ang mga nanay?’

At para raw matapos lahat ng eksena ng bidang aktres ay maagang pinapupunta ang mga ka-eksena niya sa set kahit hindi pa dapat dahil gabi pa sila kukunan, pero dahil aalis na ang aktres kaya dinadaya na lang ang eksena nila.

Sabi namin na pinayagan naman si bidang aktres sa mga hiningi niyang deal bago niya tinanggap ang project kaya tama lang na tuparin ng management o ng producer at direktor dahil sa pagkakakilala namin ay keri nitong hindi mag-work dahil mabubuhay siya ng kumportable marahil ay gusto lang niyang may ginagawa kaya tumanggap ng proyekto sa kasunduang maaga ang cut-off niya.

Kaya minsan hindi dapat isisi sa mga artista kung nagde-demand sila ng oras ng pack-up dahil sigurado kami bago simulan ang proyekto ay nagsabi na ito kung hanggang anong oras lang sila at pinayagan naman.

May iba pang kinuwento ang aming source pero mas mabuting hindi na lang naming ito isusulat para sa ikabubuti ng lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending