Kapuso stars pinaligaya ang mga Pinoy sa Canada, US | Bandera

Kapuso stars pinaligaya ang mga Pinoy sa Canada, US

Ervin Santiago - June 14, 2015 - 02:00 AM

aiai delas alas

DUMAGSA ang subscribers at mga tagasuporta ng GMA Pinoy TV sa back-to-back 10th anniversary concert nito na ginanap sa Vancouver (British Columbia, Canada) at Anaheim (California, USA) noong Mayo.

Ang Kapusong Pinoy Vancouver at Anaheim ay pinangunahan ni Philippine Comedy Queen at nagbabalik-Kapuso na si Ai Ai delas Alas kasama sina Christian Bautista, Alden Richards, Jonalyn Viray at Betong Sumaya, at tinanghal bilang pasasalamat sa walang-sawang pagsuporta ng mga Kapuso abroad sa loob ng nakalipas na isang dekada.

Bongga ang mga pakulo at costume changes ng Comedy Queen sa parehong concert na lubos na ikinatuwa ng mga fans, “Maraming-maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik ng aming show.

Kami po ay nagagalak dahil napakarami pong taong sumuporta sa 10th anniversary celebration ng GMA Pinoy TV,” ani Ai Ai pagkatapos ang show sa Vancouver.

Kasama ni Ai Ai sa pagpapatawa ang comedian na si Betong na mas kilala na ngayon bilang si Antonietta, ang bading na character niya sa Bubble Gang. “Amazing, amazing, amazing! Salamat po sa mga kababayan natin.

Sana ay lagi niyo pong suportahan ang GMA Pinoy TV para lagi kayong amazing,” ani Betong.  Ang Fearless Diva naman na si Jonalyn ay bumirit with the theme songs of some Kapuso shows kasama si Christian Bautista.

Ayon sa Fearless Diva, “Sa lahat po ng mga nanood, maraming maraming salamat mula sa aming mga puso. Salamat po sa pagsuporta sa GMA at GMA Pinoy TV.”

Sey naman ni Christian, “Maraming salamat po sa inyong pagmamahal. Talagang feel na feel po namin. Proud po kami na nakantahan namin kayong lahat. Mahal na mahal po namin kayo.”

Samantala, hit na hit naman sa audience ang mga song number ni Alden na sunod-sunod din ang mga shows abroad. Tuwang-tuwa ang mga kababayan nating Pinoy sa binata dahil sa pagiging game nito sa pakikipagkulitan sa audience.

“We are grateful to GMA’s loyal viewers in North America over the last 10 years. We are inspired to work harder to keep the trust they have given GMA’s brand of news and entertainment all these years,” ani GMA Vice President and Head of International Operations Joseph T. Francia.

Ang Kapusong Pinoy Vancouver na ginanap sa Orpheum Theater ay tinanghal kasama ang Unit Blue Design & Media Production Services. Ang Kapusong Pinoy Anaheim naman ay tinanghal sa pakikiisa ng Polaris Media & Marketing at ginanap sa City National Grove of Anaheim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending