Daniel: Hindi naman ako pumasok sa showbiz para maging Concert King! | Bandera

Daniel: Hindi naman ako pumasok sa showbiz para maging Concert King!

Ervin Santiago - June 10, 2015 - 03:00 AM

DANIEL PADILLA

DANIEL PADILLA

TINIYAK ng Teen King na isang “mature” na Daniel Padilla ang mapapanood sa kanyang third major concert na “Most Wanted” na gaganapin sa Sabado, June 13 sa MOA Arena.

Ayon sa singer-actor, wala siyang ibang gustong mangyari kundi ang mapaligaya ang kanyang fans na patuloy na sumusuporta sa kanya. Hindi raw siya nagko-concert para magyabang.

“Lagi ko ngang sinasabi, hindi naman ako pumasok sa industriya para maging Concert King,” sey ni Daniel. Aniya, ginagawa niya ito bilang pagtugon na rin sa mga request ng followers nila ni Kathryn Bernardo na mapanood siya uli sa isang stage na nagpe-perform at hindi umaarte.

Ayon pa sa Teen Kung, malaki ang pagkakaiba ng “Most Wanted” sa mga nakaraan niyang concert, “Iba ito, sa mga nagawa kong dalawang concert. Kumbaga sa ginagawa ko sa Pangako Sa Yo, mas mature rin ang concert na ito.”

“Mostly kasi ang mga kakantahin ko ay galing sa bago kong album na lalabas din kasabay ng concert. Yung iba naman, puro lumang kanta dahil yun talaga ang music ko. Hindi katulad ng first and second concert ko na pa-cute pa ako, ngayong third concert medyo mas seryoso, kunwari crooner ako. Actually hindi lang mga tipong Frank Sinatra ang kakantahin ko dito, this time parang mga Motown,” kuwento ni DJ.

Inamin naman ng rumored boyfriend ni Kathryn na hindi pa rin siya ganu’n ka-confident sa music niya, pero kapag daw galing sa puso mo ang bawat ginagawa mong performance sa stage, mas nararamdaman daw ‘yun ng audience.

“Yung music ko naman ever since, e, mga luma talaga. Hindi naman talaga ako nahihilig sa mga bago, pero siyempre depende pa rin kung maganda yung mga bagong music, pero more on luma talaga ako at yung music ko.

“Tinatanong n’yo kung confident na ako sa music ko? Hindi ako ganun ka confident. Nandoon pa rin yung kaba at napi-pressure pa rin ako. Sabi ko nga, hindi naman ako pumasok sa industriya para maging Concert King. So medyo bago pa rin sa akin lahat ito. Pero excited na rin ako dahil marami na naman tayong mapapasayang tao sa concert na ito,” esplika pa ni Daniel.

Dito ba sa next concert niya ay handa na siyang magsayaw? “Wala akong planong sumayaw, pero depende kapag naramdaman natin sa stage.”

Hindi pa rin sigurado ang singer-actor kung magiging special guest sa show si Kathryn. E, ang mommy niyang si Karla Estrada, aapir din ba? “Ewan ko lang, baka kakanta rin, baka i-surprise uli ako ng production team. Hindi ko pa talaga alam. Abangan na lang natin.”

Samantala, patuloy pa ring namamayagpag sa ratings game ang Pangako Sa ‘Yo nina Daniel at Kathryn. Lagi pa ring top trending topic ang bawat episode ng Primetime Bida series ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Grabe talaga ang milyun-milyong followers ng KathNiel, ibang klase ang powers nila sa pagpapa-trending sa social media. Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng lahat ng artistang kasali sa show, lalo na ang production staff na nagpapakahirap sa bawat eksenang napapanood ng viewers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending