Angel kinarir ang pagiging caregiver, ayaw mapahiya kay ate Vi

By Ambet Nabus June 06,2015
share this

Angel kinarir ang pagiging caregiver, ayaw mapahiya kay ate Vi

By Ambet Nabus June 06,2015
share this

angel locsin

Bongga naman si Angel Locsin sa pangangarir ng kanyang caregiver role sa movie niya with dear idol-friend Gov. Vilma Santos.
Talaga raw nagkaroon pa ng crash course training itong si Angel para lang matutunan ang mga gawain ng isang magaling na caregiver at nurse.

Nag-aral nga ito ng tamang pag-aasikaso sa isang may sakit, ang pag-turok ng injection, ang pagkuha ng blood pressure, pag-alalay, pagpapa-kain at pati pagsusuot ng damit.

“She’s so much into the role. Talagang ayaw niyang mapahiya lalo pa’t ang future niyang mother-in-law ang lagi niyang kaeksena sa pelikula.

“Idagdag ninyo pa ang katotohanang kahit magaling na aktres at award-winning din si Angel, siguradong hindi niya maiiwasang mailang sa Star For All Seasons na nanay nga ng kanyang boyfriend,” sey pa ng aming source mula sa Star Cinema na siyang producer ng naturang bonggang project.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending