Jinggoy tuluyan nang di pinayagan sa bday ng ina
Tuluyan ng hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling ni Sen. Jinggoy Estrada na makadalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ina mamayang gabi.
Sa dalawang pahinang desisyon, ipinaalala ng korte kay Estrada na akusado siya sa kaso at gaya ng ibang preso ay hindi magagawa ang lahat ng kanyang nais.
“While this Court does not remain insensitive to the significance entailed in celebrating family values especially now that Sen. Loi P. Ejercito Estrada is celebrating her 85th birthday, such fact cannot simply override but, should rather restrain, the consequences attached to a detention prisoner,” saad ng desisyon. “Senator Estrada despite the number of months he is now under detention, is still on trial. He is, like all other detention prisoners, subjected to restriction in locomotion or actual physical movement.”
Nauna ng ibinasura ng korte ang hiling ni Estrada subalit umapela ito upang makompleto umano silang magkakapatid sa pagdiriwang ng kaarawan ng ina kagabi sa Blue Leaf, Filipinas Asiana City sa Paranaque.
Sinabi ng korte na posibleng mapayagan lamang na lumabas si Estrada kung emergency.
“It will be a mockery of the justice system if Senator Estrada be allowed, at his whim, or that of his family, to attend his mother’s birthday celebration that can nonetheless be held or celebrated within his proximity.”
Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder at mga graft kaugnay ng pagtanggap umano ng kickback sa mga non government organization ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang kanyang pork barrel fund.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.