KC malayung-malayo sa ugali ni Frankie | Bandera

KC malayung-malayo sa ugali ni Frankie

Cristy Fermin - June 02, 2015 - 02:00 AM

sharon cuneta

Ang matinding pagpaparamdam ng papuri at pagmamahal ni Sharon Cuneta kay Frankie na panganay nila ni Senador Kiko Pangilinan ay kinakakakitaan ng ibang motibo ng ating mga kababayan.

Ngayon lang kasi na-ging ganito kalantad ang Megastar sa pagpuri sa kanyang anak, talagang hinanap ni Sharon ang lahat ng positibong salita sa diksiyunaryo para ikulapol kay Frankie.

May mga nagtatanong ngayon, may hidwaan bang namamagitan kay Sharon at sa anak nila ni Gabby Concepcion na si KC? May tampuhan ba ang mag-ina? Gusto nga lang bang pasakitan ng Megastar ang kanyang anak sa todong papuri niya kay Frankie?

Nakakaramdam kami na meron nga. Hindi man diretsong sinabi ni Sharon na napakalayo ng mga katangian ni Frankie kay KC ay ganu’n na rin ‘yun. Kailangan pa bang i-memorize ‘yun?

Ang anak ang nagdidikta ng kung paano siya mamahalin ng kanyang mga magulang, kung ano ang ipinararamdam ng anak, ‘yun ang nasa isip at puso ng ina.

Siguro nga ay gustong pitikin nang patagilid ni Sharon si KC, maraming kuwento tungkol sa hindi gaanong pag-uusap ng mag-ina, pakiramdam si-guro ni KC ay kaya na nitong mabuhay na wala ang kanyang pamilya.

Lagi nating tatandaan na ang lahat ng ating mga sinasabi at ginagawa ay may kakambal na dahilan at motibo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending