Demolisyon sa Caloocan nauwi sa karahasan | Bandera

Demolisyon sa Caloocan nauwi sa karahasan

- May 26, 2015 - 02:56 PM

Demolisyon sa Calaanan na nauwi sa karahasan

Demolisyon sa Calaanan na nauwi sa karahasan

NAUWI sa karahasan ang demolisyon sa Calaanan compound sa Caloocan City matapos gamitan ng sumpak at pagbabatuhin ng mga bato at bote ang mga pulis ng mga residente.
Tatlong pulis ang nasugatan matapos ang nangyaring karahasan sa demolisyon na batay sa demolition order na ipinalabas ni Judge Eleanor Ong ng Caloocan Regional Trial Court branch 128.

Sinabi ni Northern Police District (NPD) director Chief Superintendent Jonathan Miano na kabilang sa mga sugatan ay si PO1 Virgilio Cabangis matapos siyang tamaan ng sumpak sa kanyang kaliwang hita.
Nagtamo naman ang dalawa pang pulis ng mga sugat sa kanilang balikat matapos silang pagbabatuhin ng mga bato at kahoy.

Nagmula ang mga nasugatang pulis mula sa public safety battalion ng NPD.

Dinala si Cabangis Manila Central University Hospital.
Samantala, inaresto naman ng mga pulis si Junel Orlando, na itinuturong nagpaputok ng sumpak. Hinuli rin si Edwin Cantos na siya namang nambato sa mga pulis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending