Lotlot maligaya sa BF na Lebanese, gusto pang magka-baby | Bandera

Lotlot maligaya sa BF na Lebanese, gusto pang magka-baby

Ervin Santiago - May 21, 2015 - 02:00 AM

lotlot de leon

Si Janine Gutierrez ang nagbalita sa amin na maligaya ngayon ang kanyang inang si Lotlot de Leon sa kanyang lovelife. Kung meron daw siyang Elmo Magalona, meron din daw nagpapaligayang lalaki sa kanyang mommy.

Isang Lebanese businessman na nakabase dito sa Pilipinas ang boyfriend ngayon ni Balot, at going strong pa rin daw ang relasyon ng dalawa. Sabi ni Janine, kung saan daw maligaya ang kanyang mommy ay susuportahan niya ito.

Pero kung ang tatanungin daw ay ang kanyang tatay na si Ramon Christopher, sa pagkakaalam ni Janine, wala pa rin daw itong girlfriend ngayon.

Hindi raw niya sure kung meron itong idine-date dahil wala naman ipinakilala si Monching sa kanya at sa iba pa niyang mga kapatid. In fairness, bongga si Lotlot, dahil bukod sa may lovelife ay maganda rin ang takbo ng career niya ngayon.

Hindi siya nawawalan ng trabaho sa GMA. Ngayon ay isa siya sa mga magbibida sa bagong GMA Telebabad series na My Mother’s Secret na magsisimula na sa darating na May 25 bago mag-24 Oras.

Kasama niya rito ang bagong ibebentang tambalan ng Kapuso network, sina Kiko Estrada (anak ni Gary Estrada) at Kapuso princess Kim Rodriguez na dati namang katambal ni Kristoffer Martin.

Ayon kay Lotlot, maswerte talaga siya dahil sa dinami-dami ng mga artistang pwedeng kunin ng GMA ay siya ang napiling makasama sa My Mother’s Secret. “God is good, always! Patuloy niya tayong bine-bless!” ayon kay Lotlot nang makausap ng ilang entertainment reporters sa ginanap na grand presscon ng nabanggit na teleserye.

Paliwanag naman ni Lotlot sa isang interview, bago niya nakilala at naging dyowa ang kanyang Lebanese BF ay matagal din siyang single matapos silang maghiwalay ni Monching.

“Before kasi, iniisip ko, maybe you really can’t have everything at once. But maybe I want to prove myself wrong by saying that, or maybe it is possible to have everything all at once.

“You just need to pray a lot and then to believe that it will happen, and God will grant it. I don’t think I prayed for anything that God didn’t give, kumbaga, even if it took a long time…like when I was a kid, I wanted to meet my biological parents, I did!
“I wanted to win an award, I did (Best Supporting Actress sa MMFF 2014 for Kubot at Pinakapasadong Katuwang Na Aktres mula naman sa PASADO Awards).

So siguro, slowly but surely, God just wants to make sure that you have faith in Him. And you really believe and kung mabuti ka naman sigurong tao, ibibigay naman sa iyo ng Diyos,” mahabang pahayag ni Balot sa nasabing interview.

May apat na anak si Lotlot kay Monching, si Janine nga at sina Jessica, Diego at Maxine. Diretso naman ang tugon ng aktres nang matanong kung gusto pa niyang magkaanak sa present BF niya? “Kung puwede, bakit hindi? Kung kaya pa.”

Samantala, balik-drama nga si Lotlot sa bagong Telebabad serye ng GMA, ito ngang My Mother’s Secret, siya ang gaganap na nanay-nanayan ni Kim Rodriguez sa kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuwento ni Balot, ibang klaseng teleserye naman ito na siguradong iiyakan ng mga manonood, lalo na ng mga nanay na nangungulila sa kanilang mga anak.

Ito ay sa direksyon ni Neal del Rosario, at makakasama rin dito sina Gwen Zamora, Christian Bautista, Enzo Pineda, Diva Montelaba, Joanna Marie Tan, Meryll Soriano at Shamaine Centenera.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending