Bagong kategorya ng bagyo inilabas ng Pagasa
Pinalawig ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang kategorya ng mga bagyo sa bansa.
Mula sa apat na kategorya ay ginawa na itong lima upang mas madaling matukoy ang lakas nito.
Ang pinakamahinang kategorya ay ang Tropical Depression kung saan ang hangin na dala ng bagyo ay may lakas na hanggang 61 kilometro bawat oras.
Ikalawa ang Tropical Storm kung saan ang bilis ng hangin ng bagyo ay mula 62 hanggang 88 kph.
Ang ikatlo at pinakabago ay ang Severe Tropical Storm kung saan ang hangin ay mula 89 hanggang 117 kph.
Sumunod naman ang Typhoon na ang hangin ay 118 hanggang 220 kph at ang pinakamalakas ay ang Super Typhoon na ang hangin ay higit sa 200 kph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.