Rocksteddy may regalo sa mga loyal fans
KUNG merong isang banda na pwede nang i-level sa kasikatan ng Parokya Ni Edgar, feeling namin papasa na ang isa sa mga pinakamabentang grupo ngayon sa music industry – ang Rocksteddy.
In fairness, kahit na sinasabi ng marami na nalalaos na ang mga banda ngayon, in na in pa rin ang Rocksteddy sa mga OPM lovers. Patuloy pa rin kasi silang sinusuportahan ng madlang pipol, lalo na ang vocalist ng grupo na si Teddy Corpuz na napapanood din araw-araw sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.
At bilang patunay na marami pa ring tagahanga ang mga banda, lalo na ang grupo ni Teddy, naglabas ng bagong album ang grupo titled “Rapsteddy: Kinagat ng Seven Lions”. Ito ang regalo ng Rocksteddy sa kanilang fans na mula noon hanggang ngayon ay hindi bumibitiw ng sa pagsuporta sa kanila.
Nagsimulang makilala ang Rocksteddy noong Marso 2003, na kilala pa noon bilang Acoustic Faith, with Teddy nga as vocalist and drummer Jeff Cucullo. After a while, naging miyembro na rin ng banda sina Christian Sindico (bassist) at si Juven Pelingon (lead guitarist).
Nag-release sila ng kanilang debut album noong 2006 na may titulong “Tsubtsatagilidakeyn” at na-produce na nga ang “Gising Na”, “Dedma” at “Magpakailanman”. Sinundan naman ito ng “Patipatotpanabla” na naglalaman ng ng “Break na Tayo”, “No Touch”, “Blue Jeans”, “Superhero” at ang Close-Up jingle na “Smile at Me.”
Isa rin sila sa masuswerteng napili para siyang kumanta ng “Blue Jeans” of Apo Hiking Society para sa album na “Kami nAPO Muna”, isang tribute album para sa APO.
Bukod dito, naging part din sila ng “The Best Of Manila Sound: Hopia Mani Popcorn” kung saan kinanta nila ang “No Touch”. Taong 2008 naman nang ilabas nila ang “Ayos Lang Ako” kung saan nakapaloob ang mga kantang “Skulin Bukulin”, “Boy Kulot”, “Leslie” at “Ayos Lang Ako”.
Sila rin ang nasa likod ng sikat na sikat noong “Superhero”, ang naging theme song ng teleserye ng ABS-CBN na Super Inggo. Noong 2013, ni-release naman ang kanilang “Instadramatic” kung saan maririnig ang mga awiting “Sama-sama”, “Drown”, at “Sa Panaginip” na pasok sa Gold Record mark at pinarangalan bilang Gold Record Label.
At ngayong 2015 nga, isa na namang bonggang album ang regalo ng banda sa kanilang mga tagasuporta, ito ngang “Rapsteddy: Kinagat ng Seven Lions” kung saan nakapaloob ang carrier single na “Katol”, which was released by 12 Stone Records at available na sa favorite ninyong mga record bar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.