Nora Aunor, Cherrie Gil big winner sa Asean Int’l Film Fest
UMEKSENA nang todo ang Pilipinas sa 2nd Asean International Film Festival and Awards (Aiffa) na ginagawa sa Borneo Convenion Center, sa Kuching, Sarawak, Malaysia nitong Sabado ng gabi.
Nag-uwi ang Pilipinas ng apat na tropeo at isa special award mula sa nasabing kompetisyon,
Unang nakakuha ng tropeo ang 25-anyos na si Benjamin Tolentino para best editing sa pelikulang “Bendor” ni Ralston Jover.
“More than anything else, I am glad that a lot more people got to watch our film [in Malaysia]. It wasn’t able to get a commercial release in our country.”
Wagi rin si Cherie Gil bilang best actress para sa Peque Gallaga at Lore Reyes na pelikulang “Sonata.”
Nora Aunor (seated, second from left) joined the other winners and jury members of the recently concluded Aiffa held at the Borneo Convenion Center, in Kuching, Sarawak, Malaysia on Saturday evening. MAMMU CHUA
Panalo rin sa pagiging Best director si Joseph Israel Laban para sa “Nuwebe.”
“I am shocked, surprised, but grateful. Competition was stiff,” ayon sa direktor.
Ang Asean Spirit Award na ibinigay ng festival organizer ay nasungkit naman ni Carlo Obispo para sa pelikulang “Purok 7.”
Ayon kay Filipino producer Mammu Chua, na dumalo sa event, na “naging speechless ang director habang tinatanggap ang kanyang panalo”.
Ang pinakamalaking gantimpala na naiuwi ng bansa ay nang tangahalin si Superstar Nora Aunor para sa Asean Lifetime Achievement Award.
Nitong nakalipas na dalawang taon, ang Malaysian actress na si Michelle Yeoh ang tumanggap nang nasabi ring award.
Ngayong taon, kasama ni Nora sa stage ang Hong Kong action hero na si Jackie Chan, na kinilala naman bilang Asean Inspiration Award.
May 17 nominasyon na nakuha ang bansa sa nasabing kompetisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.