Pag-endorso ni Nadine ng online casino aprub sa ilang fans: Respeto lang!
BARDAGULAN ngayon ang mga fans ni Nadine Lustre dahil sa pagpayag nitong maging endorser ng isang online gambling casino.
Magkakaiba ang naging reaksiyon ng mga netizen nang ibandera ng award-winning actress ang bago niyang endorsement na may konek nga sa pagsusugal.
Ipinost ni Nadine nitong nagdaang November 16, sa kanyang official Facebook account ang litrato niya na hawak na cellphone kung saan makikita sa screen nito ang online casino na BigWin29.
Mababasa sa caption ng FB post ni Nadine ang tungkol sa launching ng naturang gambling app at ang kanilang official platforms.
Baka Bet Mo: Nadine hindi totoong ikakasal na kay Christophe: ‘We’re not engaged!’
View this post on Instagram
Base sa mga nabasa naming comments sa socmed, iba-iba ang pananaw ng mga tagasuporta ni Nadine, may mga nag-aprub sa kanyang latest endorsement pero marami rin ang kumontra rito.
“Medyo shookt ako, d ko expected na mag promote ng ganito si Nadine.”
“Hindi nakaka-estetik, President Nadine.”
“She’s Nadine, I support her rights and wrongs lol. Kidding aside, she claims to be careful with associating herself to brands tapos biglang may ganito. Ka-turn off talaga.”
“I used to work in Casino and all i can say is once you get addicted with gambling there’s no way back. Ang daming nasirang pamilya, nagbenta ng bahay, nag sangla ng kotse titolo ng lupa, mga hindi na umuuwi ng bahay at tambay sa casino walang tayuan ultimo mag cr hindi magawa. Hanggang sa mabaon na at naging tambay na sa casino at nakiki amuyo g nalang sa ibang players at manghihingi ng balato pang taya nila, what more pa sa online gambling na napaka easy access???? kaya napaka ironic ni Nadine knowing na picky sya sa endorsement and then now umoo sya sa ganyan. It’s just money after all.”
Ang dami namang judger. Trabaho lang, walang personalan.”
“The only winning move in gambling is not to play. Protect your finances, family, and future. Nadine, this is not you,” dagdag pa ng isa.
“Gambling is a choice. Just respect her hustle/grind guys. She is business minded.”
“I’m not surprised that celebrities are endorsing this. I remember when international celebrities and athletes endorsed cryptocurrency and now legalized sports betting.”
“Ang epal ng iba dyan. Nadine is a responsible adult. Hindi nya hahayaan na masira ang name nya sa isang endorsement. Alam nya ang ginagawa nya kaya please lang stop the hate. Grow up guys!”
“Ang daming perfect ang life. Decision ni Nadine yan kaya pwede respetuhin na lang. Hindi naman nya kayo pinipilit mag casino no!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.